^

PSN Opinyon

Mga hamon sa water concessionaires

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nirerepaso ng MWSS Regulatory Office ang mga ali­tun­tunin sa concession ng serbisyo ng tubig. Ito’y kritikal na usapin dahil mahalaga sa buhay natin ang tubig. Kaso, sa harap ng posibilidad na mabago ang mga concession­ agreements, nag-aalangan namang magpautang sa mga concessionaires ang mga financial institutions. Dapat muna kasing matiyak nila na ang mga concessionaires ay maka­pagbabayad ng tama sa kanilang inutang.

Magugunita na 1997 nang isapribado ang Metropolitan­ Waterworks and Sewerage System (MWSS) para umakit­ ng mga pribadong concessionaires at pagbutihin ang ser­­bisyo ng tubig sa Metro Manila. Ito ang layunin ng National Water Crisis Act of 1995 na natupad naman. Bumuti ang serbisyo ng tubig at nagkaroon ng sapat na pondo para sa operasyon kumpara noon na ang nagpapatakbo ay ang MWSS.

Simula 2020, lumawak ang coverage ng water services­ sa East and West zones na nagkaroon ng 90%, 24-hour water availability. Lumakas ang water pressure at mas malinis ang tubig na inihahatid sa consumers. Pero sa pag­laki ng populasyon, dapat umagapay ang pag-unlad ng serbisyo ng tubig. Iyan ang hamon sa ika-21 siglo na kakaharapin ng mga private concessionaires. Maglalatag ng mga bagong tubo sa mga daan na masikip na dahil sa trapiko. Dumarami ang tao at dapat paramihin din ang ini­rarasyong tubig.

Problema ang Climate Change na umaapekto sa pagdating ng tag-ulan na mahalaga para punuan ang mga dams tulad ng Angat na pangunahing pinagkukunan ng tubig. Dahil sa pagbabago ng klima, humaba ang panahon­ ng tagtuyot. Ang mga estriktong environmental laws, ba­ga­ma’t kailangan ay naglilimita sa maaaring gawin ng mga concessionaire para mapagbuti pa ang water service.

Malaking halaga ang gugugulin ng mga concessionaires sa pagharap sa mga hamong ito. Bilyun-bilyong halaga ng imprastruktura upang makumpleto ang mga pinupuntiryang obligasyon hanggang 2037. Ito’y tinataya sa halagang P465 bilyon. Ang pagpopondo sa mga programang ito ay naging problema ng mga concessionaires dahil sa ginagawang pagrepaso ng MWSS Regulatory Office sa mga patakaran sa concession. Ang mahabang prosesong ito ng pamahalaan ay dahilan upang ang mga financial institutions ay mag-alangang magpautang ng kailangang pondo sa mga concessionaires.

vuukle comment

MWSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with