^

PSN Opinyon

Congressmen naging taga-usig, hukom at berdugo ng ABS-CBN

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Napakinggan ko ang buong deliberasyon ng committee on legislative  franchise ng Mababang Kapulu-ngan ng Kongreso na nagbasura sa franchise renewal application ng ABS-CBN. Klarong hindi binigyan ng patas na oras at tsansang maidepensa ng network ang sarili. Kumunsumo ng mas mahabang oras ang mga mambabatas na tutol na mabigyan ng bagong prangkisa ang network.

Sa pangunguna nina Rep. Rodante Marcoleta, Rep. Crispin Remulla at Michael Defensor na pawang kontra sa network, mistulang binusalan ang mga institution ng pamahalaan at iba pang testigo na pumabor sa ABS-CBN. Iyan ay sa kabuuang tatlumpung oras ng interpellations.

“Killed,” ang ibinulalas pa nina House committee on good government and public accountability Jonathan Sy-Alvarado at franchise committee vice chairman Michael Defensor, nang ihayag ang boto ng komite na 70-11 na nagbabasura sa aplikasyon ng ABS-CBN. Resulta - todas ang dambuhalang network at nawalan ng trabaho ang 11,000 empleyado nito.

Kung rerebisahin ang transcript ng buong hea-ring, masyadong natuon ang debate sa mga solons na sumasagka sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN. Ang mga  pro-ABS CBN congressmen ay nagkaroon lamang ng 18 hours o 27 porsyento ng interpellation time. Ang mga manifestations ay kino­po ng tatlong Solons na kontra sa network. Binara ng tatlong solons ang mga testigo ng ABS-CBN at ipinahiya ang mga executives ng network. Iyan ba ang patas?

Walang nangyaring fair hearing. Parang mula unang araw pa lang ay iginuhit na nila ang tadhana na mawawala na nang tuluyan ang ABS-CBN. May mindset na kasi sila sa simula pa lamang at ito ay ang ang pagpatay ABS-CBN.

Well, pana-panahon lang iyan. Naniniwala ako na makababangon muli ang ABS-CBN pero ang malaking katanungan ay kailan?

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with