^

PSN Opinyon

Court Admin Marquez, nakialam sa estafa case?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAGTATAKA ang pamilya Gaisano sa Cebu kung bakit nakikialam si Court Administrator Midas Marquez sa P2.6 bilyon estafa case na isinampa nila sa isang Chinese national na si Wong Chung Yin. Si Wong, ng DW Capital, ay nagtatago pa at nangangamba ang Gaisano family na baka mahokus-pokus ang kaso laban dito kapag patuloy na naki­kialam si Marquez. Magkano... este paano kaya? Kung mata­tandaan, nagsampa ng P2.6 bilyon syndicated estafa si Valerie Gaisano Sebastian laban kay Wong, alyas Dawid Wong, at mga kasabwat nito dahil sa pagdispalko umano nito ng business investment noong 2017. Kung sabagay, naging laman ng diyaryo at radyo ang kasong ito, ‘di ba mga kosa? Kasalukuyang dinidinig sa Cebu ang kaso habang patuloy na nagtatago si Wong. Dipugaaa!

Maganda naman sana ang takbo ng kaso, subalit nagtataka ang mga abogado ng Gaisano nang humiling si Wong sa korte noong 2019 na ilipat ang pagdinig ng kaso mula Cebu patungong Makati o Quezon City. Nalaman na lang ng kampo ng Gaisano na mismong si Marquez ang tumawag sa sala ni Cebu Judge Stewart Himalaloan para aksyunan ang special request ni Wong. Hindi maitanggi ni Marquez ang paratang na ito dahil ang pagtawag niya sa korte ay ‘di-sinasadyang naisama sa transcript of records ng korte noong petsang June 14, 2019, anang kampo ng Gaisano. Dipugaaaa! Get’s n’yo mga kosa?

Ang depensa naman ni Marquez, wala siyang personal na interes sa kaso ni Wong. At sa katunayan, hindi niya kilala ang mga partidong sangkot sa estafa case. Niliwanag ni Marquez na may naghain ng petisyon sa kanyang opis para i-transfer ang kaso na inaktuhan lang niya dahil kasama ito sa kanyang trabaho.

Subalit maraming katanungan na iniwan ang aksyon ni Marquez na dapat din niyang sagutin, tulad ng bakit siya o ang opisina niya mismo ang tumawag sa Cebu judge na dumidinig sa kaso? Bakit kailangang ilipat sa Makati o Quezon City court at ano ba ang meron doon na wala sa Cebu? 

At ang pinakama-halagang tanong ay bakit inaksyunan ni Marquez ang special request ng kampo ni Wong na isang fugitive o nagtatago sa batas? Kailangan ang malinaw na paliwanag ni Marquez sa mga tanong na ito sa itaas at baka maapektuhan pa ng isyung ito ang pangarap niyang maging kasapi ng Supreme Court. Abangan!

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with