^

PSN Opinyon

EDITORYAL - National ID simulan na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - National ID simulan na

Noong nakaraang Mayo, sinabi ni President Duterte na kung naimplement agad ang National ID System, hindi sana mahihirapan sa pagbibigay ng ayuda o ng social amelioration program (SAP). Kung mayroon na umanong ID ang bawat mamamayan, madali na ang pagbibigay ng SAP at pati na ang relief goods. Kaya sinabi niya sa Philip­pine Statistics Authority (PSA) na umpisahan na ang National ID system.

Wala pang tugon ang PSA ukol dito. Hindi pa ma­­laman ngayon kung nag-uumpisa na sila sa regis­tration at kung saang rehiyon sila mag-uumpisa. Mas maganda kung uunahin ng PSA ang mga nasa mahihirap na lugar sapagkat ang mga ito ang nanga­­ngailangan ng ayuda hindi lamang kung may pandemia kundi sa panahon ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol at pagbaha.

Mahalaga ang may ID at nakita nga ang kahalagahan sa pananalasa ng COVID-19. Dahil walang ID nagkaroon ng problema sa pamamahagi ng ayudang pera at relief goods. Dahil walang maipakitang ID o pagkakakilanlan, marami ang hindi nakatanggap­ ng SAP sa unang tranche. At meron namang nagdoble-doble o nagtriple ang pangalan ng iba sa listahan. Kung may ID, hindi mahihirapan sa pagtukoy ng benepisyaryo.

Mabagal ang implementasyon ng National ID gayung Agosto 2018 pa nilagdaaan ang Philippine Identification System Act. Sa ilalim ng batas, lahat nang mamamayang Pilipino, 18-anyos pataas ay magkakaroon ng National ID. Nakasaad na Hulyo 2019 ang pagsisimula sa pagbibigay ng ID sa ilang rehiyon at ngayong 2020 ang full implementation sa buong bansa. Nakasaad sa ID ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, saan ipinanganak, tirahan, nasyonalidad at biometric information. May pondo itong P25 billion.

Madaliin ng PSA ang National ID at huwag nang pakinggan ang mga batikos at maaring ikabit ang Anti-Terror Bill na nilagdaan kamakailan. Ipipilit muli na malalabag ang karapatang pantao dahil mahahalungkat ang pagkakakilanlan ng mamamayan.

Ipursigi ang implementasyon. Mahalaga ito para mapabilis ang pagtulong sa mamamayan sa panahon ng krisis.

vuukle comment

NATIONAL ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with