^

PSN Opinyon

Dalawang leksiyon sa pagnenegosyo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Maging organisado at matuto sa mga kamalian, upang magtagumpay sa negosyo. Dalawang maiikling kuwentong kapupulutan ng aral:

(1) Magsa-shower na si mister pagkatapos ni misis nang may nag-doorbell. Dali-dali nagbalot ng tuwalya si misis at tumakbo sa pintuan. Pagbukas niya ng pinto nan­­du’n si kapitbahay na si Jim. Bago makakibo ang babae nag­sabi si Jim, “Bibigyan kita ng P800 kung aalisin mo ‘yang tuwalya.” Napaisip si babae, nilaglag ang tuwalya, at tumindig du’n nang hubo’t hubad sa harap ni Jim. Matapos tumitig, iniabot ni Jim ang pera at umalis. Kinuha ito ni misis, nagbalot muli ng tuwalya, at bumalik sa banyo para magbihis.

“Sino ‘yung tumimbre?” Tanong ni mister. “Si Jim na kapitbahay,” sagot ni misis. “Ay mabuti naman,” ani mister­. “May sinabi ba siya tungkol sa P800 na utang niya sa akin?”

Leksiyon: Ipaalam lahat sa iyong partner, para iwas sa peligro at di kailangang exposure.

(2) Bumili ang bagitong magsasakang si Joe ng kalabaw sa tusong negosyante, halagang P5,000. Nang susun­duin na kinabukasan, sabi ng nagbenta na namatay bigla­ ang kalabaw. Binabawi ni Joe ang pera, pero ayaw ng negosyante dahil nabayaran na umano ang supplier. “O sige,” ani Joe, “Ikarga mo na lang ang patay na kalabaw sa pickup ko.” Makalipas ang isang linggo kinumusta ng negosyante si Joe. “Ayos ako,” aniya, “Ipina-raffle ko ang kalabaw.” Nagtaka ang tuso kung paano naipa-raffle ang patay na kalabaw nang gan’un lang. “Simple,” sagot ni Joe, “Nagbenta ako ng 50 tiket na tig-P200, at humamig ako ng P10,000.”

“Ha, walang umangal?” Usisa ng tuso. Sagot ni Joe: “Isa lang, ‘yung nanalo, kaya isinoli ko ang P200 niya. Sa huli tumubo pa ako ng P4,800.”

Leksiyon: Kayang gawing panalo ang talo nang sitwasyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

NEGOSYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with