^

PSN Opinyon

Saan na sila ilalagay?

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Tatlong malalaking ospital ang nagpahayag na puno na ang kapasidad nila para sa mga COVID-19 na pasyente­. Ang Makati Medical Center, St. Lukes Medical Center at National Kidney and Transplant Institute ang halos sabay-sabay nagpahayag. Hindi na sila makatatanggap ng mga pasyenteng positibo para sa COVID-19 na kaila­ngang ma-ospital o mga malalang kaso. Hindi naman ibig sabihin na puno na ang ospital kundi ang inilaan nilang mga kama para sa COVID ay puno na dahil hindi naman­ puwedeng ipagsama sa mga pasyenteng may ibang kalub­haan.

Ang bilang ng mga positibong kaso ay 57,545 habang isinusulat ito. Napakalaki na ng idinagdag mula nang sumailalim sa GCQ ang Metro Manila at ibang lugar. Nagpahayag na nga ang Palasyo na mukhang itutuloy pa rin sa GCQ ang Metro Manila at hindi pa puwedeng buksan lahat. Wala namang balita kung ibabalik sa MECQ o sa ECQ.

Sa tingin ko, malakas na rin ang boses ng mga negos­yante. Ang Navotas ay ilalagay sa lockdown mula Hulyo 16-29 dahil sa dami ng positibong kaso.

Ang mga nakakausap ko ngang doktor ay pare-pareho ang sinasabi. Epektibo ang lockdown. Noong Abril at Mayo ay pababa na ang araw-araw na bilang ng mga kaso. Halos naging regular na ang patakbo ng mga ospital.

Pero magmula Hunyo, bumalik ang kaguluhan sa rami ng mga pasyente. Ang linya para sa testing ay napa­kahaba. Totoo na maraming kaso ay mga asymptomatic o mga walang sintomas at kailangan lang magpahinga sa bahay at hindi lumabas ng dalawang linggo. Pero sa dami ng mga kaso ay tiyak may mga lalabas na malubha. Kung puno na ang mga ospital, saan na sila ilalagay?

Kailangang makibahagi ang lahat para labanan ang pan­demyang ito. Iwasan na muna ang pamamasyal kahit bukas na ang mga mall. Lumabas lang kapag talagang kinakailangan.

Alam ko marami riyan ang kailangang lumabas para magtrabaho o buksan ang mga negosyo. Sana ay laging magsuot ng mask at manatili ang physical distancing. Kailangang pigilin ang pagkalat kung hindi masasapawan tayo nang husto

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with