^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tiyakin ng DSWD na hindi makukurakot ang 2nd SAP

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tiyakin ng DSWD na hindi makukurakot ang 2nd SAP

Target umano ng Department of Social Welfare­ and Development (DSWD) na maipamahagi ang 80% payout ng second tranche ng social amelio­­ration program (SAP) sa Hulyo 31. Sinabi ng DSWD na masusi nilang sinusuri ang listahan ng mga benepisyaryo sa pagkakataong ito. Ayaw na umano nilang maulit ang nangyari na nagkadoble o triple pa ang mga nakatanggap ng SAP sa unang tranche na ibinigay noong Abril.

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, marami nang benepisyaryo sa National Capital Region ang nakatanggap na ng second tranche at pinadaan ito sa pamamagitan ng online payment. Maraming remittance center ang nakipagtulungan sa DSWD para mabilis na maipamahagi ang ayuda. Ang mga nasa malalayong lugar ay mano-mano pa rin umano ang pagbibigay ng ayuda. Target ng DSWD na maayudahan ang 12 milyong benepisyaryo.

Mabuti at naisasaayos na ng DSWD ang pagbi­bigay ng SAP. Dapat masiguro na legal beneficia­ries ang makakatanggap. At mabuti na rin ang ginawang online ang pagkuha ng SAP. Hindi katulad sa nakaraan na ipinadaan sa barangay chairman ang SAP kaya ang mga kaanak nito at kasambahay ang nakinabang. Marami ring barangay chairman na hinahati ang SAP at ang kalahati ay binubulsa. Sinampahan na ng kaso ang may 400 barangay offi­cials na nagsamantala sa pamamahagi ng SAP.

Unang nagpalabas ng P200 bilyon ang pamahalaan para ipamahagi sa mga mahihirap at nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na lockdown noong Marso. Sabi ng Malacañang, gumagawa ng paraan ang pamahalaan para makalikom ng pondo para sa pangangailangan ng mga tao na naapektuhan ng COVID-19. Sabi ni President Duterte noon, kahit ipagbili raw niya ang mga pag-aari ng gobyerno ay gagawin niya maayudahan lamang ang mamama­yan na naghihirap.

Malaki ang tiwala ni Duterte sa DSWD kaya nararapat na maipamahagi nang maayos, malinis at walang katiwalian ang ikalawang SAP. Dapat mga legal na benepisyaryo ang makatanggap. Huwag hayaang mapunta sa mga kurakot na opisyal ng gob­yerno o barangay officials.

vuukle comment

DSWD

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with