^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Todo higpit pa para di-kumalat ang COVID

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Todo higpit pa para di-kumalat ang COVID

Maraming empleyado na karaniwa’y teller ng Metro Rail Transit (MRT) ang nagpositibo sa COVID­-19. Kaya tigil muna ang operasyon ng MRT. Ito ay sa kabila na mahigpit na ang ipinatutupad na pag-iingat. May mga nagpositibo ring tauhan ng PDEA, DOE at MMDA. Ibig sabihin, sa kabila ng mga pag-iingat, marami pa rin ang nahahawa.

At sa nangyayaring ito, maaaring may katotohanan ang bagong pag-aaral na inilabas ang 200 scientists na nagsasabing naipapasa ang virus sa pamamagitan ng hangin (airborne). Ayon sa nalat­hala sa Journal Clinical Infectious Diseases sa London, ang viruses na lumabas sa pamamagitan ng paghinga, pagsasalita at pag-ubo ay lumulutang sa hangin. Kaya maaaring makapitan ang sinumang nasa loob ng saradong kuwarto.

Ang lumabas na pag-aaral ay taliwas naman sa sinasabi ng WHO na kumakalat at nakakahawa ang virus kapag natalsikan ng droplets ng isang bumabahin o umuubo. Hindi naniniwala ang WHO sa airborne transmission. Ayon pa sa mga scientists, dapat baguhin ng WHO ang kanilang paniniwala at nang maihanda ang mga tao at makapag-ingat.

Wala namang pagkakaiba sa natuklasan dahil mapa-airborne o matalsikan ng droplets mula sa umubo, parehas din lang itong makakahawa. Ang dapat gawin ay todo ingat pa sa mga pupunta sa saradong lugar o walang labasan ng hangin para hindi makuha ang paikut-ikot na virus. Mag-ingat sa mga closed spaces gaya ng elevator, at mga sasak­yan na magkakaharap ang mga sakay.

Walang ibang dapat gawin kundi ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan nang pag-iingat para makaiwas sa virus. Huwag nang bumalik sa dating nakasanayan na hindi nagsusuot ng face mask, kumpul-kumpol sa isang lugar, hindi naghuhugas ng kamay at kung anu-ano pang hindi magandang gawain na nagdudulot ng pagkakasakit.

Mula nang manalasa ang COVID-19, natuto ang marami sa tamang kalinisan. Itinakwil ang hindi magandang nakagawian gaya nang pagdura, pagdumi sa kung saan-saan at iba pa. Marami ngayon, pag-uwi ng bahay ay naliligo agad at nilalabhan ang sinuot na damit.

Ipagpatuloy ang mga nakasanayang kalinisan sa katawan at kapaligiran. Ito ang nararapat ngayon upang hindi kumalat ang sakit. Kung maipagpa­patuloy ang nakaugalian, nakahanda na ang lahat sa mga maaaring mangyari pa sa hinaharap.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with