^

PSN Opinyon

Ingat-ingat sa mga casino, atbp.

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nirerekomenda umano ng mahigit sa dalawang daang siyentista sa buong daigdig na baguhin ng World Health Organization (WHO) ang mga ipinatutupad na health safety protocols sa pakikibaka sa pandemya ng COVID-19. Ito umano ay dahil natuklasan nila na ang corona­­virus ay airborne at puwedeng malanghap sa mga kulong na lugar tulad ng mga bar, restawran, opisina at mga casino.

Ibig sabihin, kung dinaragsa ng tao ang mga lugar na ito, ang virus mula sa kanilang paghatsing o pag-ubo ay nananatili sa ere nang matagal at puwedeng malanghap ng iba. Kakaibang sakit talaga ito. At tila hanggang nga­­yon ay nangangapa pa sa dilim ang mga siyentista sa medi­sina tungkol sa virus.

Sa ngayon kasi, batay sa impormasyon ng WHO, ang COVID-19 ay nakakahawa lamang kung direktang mahihipo ng iba ang droplets mula sa taong may ganitong sakit, at ang kamay ay humawak sa kanilang bibig, ilong at mata. Kaya nga inirerekomendang gumamit tayo ng face masks at hand sanitizer nang madalas.

Kung totoo ang findings na ito ng mga scientists, mawa­walan ng silbi ang social distancing dahil kung ang lugar ay kulong at ‘di maganda ang ventilations, ang mikrobyo ay magpapasalinsalin sa iba’t ibang tao. At kung magpa­patupad ng mahigpit na alituntunin ang WHO base sa natuklasan ng mga siyentista, malaking setback uli ito sa pagsisikap ng bawat bansa na maibalik sa normal ang takbo ng ekonomiya.

Dito lang sa ating bansa, lumobo uli ang bilang ng mga positive sa COVID nang niluwagan ng pamahalaan ang qua­rantine upang makapagsimula ang operasyon ng mga negosyo. Natigil ang ope­rasyon ng MRT dahil may 187 kawani nito ang nagpositibo sa COVID-19. Pray pa more tayo. Panalangin at pagbabagong loob ng tao ang susi para mapuksa ang salot na ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with