^

PSN Opinyon

Php 1.8 bilyong fertilizer deal pahirap sa mga magsasaka

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Mayroon oversupply ng “overpriced” urea fertilizer sa bansa na nagkakahalaga ng P1.8 billion. Mga pobreng magsasaka ang pumapasan sa bigat nito na bunga ng pinasok na transaksyon ng Department of Agriculture. Ano ba iyan, para lang patabain ang bulsa ng ilang opisyal sa gobyerno, paduduguin ang mga pobreng magsasaka?

Nakakakulo ng dugo! Habang tayo ay nagdurusa sa COVOD-19 pandemic, may mga ganyang anomalya. Nakipagnegosasyon ang Department of Agriculture  para sa bidding ng urea fertilizer noong nakaraang buwan na bukod sa labis-labis sa pangangailangan ng mga nasa farming sector, sobra-sobra pa ang patong sa presyo!

Nagbunga ito ng  oversupply na umabot sa halagang Php 1.8 billion! Ito ay para sa apat na rehiyon ng bansa tulad ng Central Luzon, Calabarzon, Eastern Visayas at Central Visayas.

May pondong nakalaan para sa economic stimulus ng mga magsasaka. Pero karimarimarim na may mga kamay na sumawsaw rito para magkamal  ng salapi na katumbas ng pawis at dugo ng mga magsasaka.

Mahiya kayo! Ang pondong pinagpapasaan ninyo ay mula sa DA’s stimulus program na Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 (ALPAS sa COVID-19), na pinaglaanan ng P5.69 billion para sa urea fertilizer sa halagang P990 hanggang P995 bawat sako.

Ang mga supplier na sangkot dito ay La Filipina Uy Gongco Corporation at Atlas Fertilizer na nakakuha ng unang  apat na kontrata na nagkakahalaga ng P1.8 billion. Ngunit ang reklamo ng mga magsasaka, ang mga ibenentang pataba sa kanila ay overpriced ng P150 bawat bag. Grabe.  Marapat lang talaga na siyasatin ang anomalyang ito at tila nga naghahanda na ang Kongreso para dito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with