^

PSN Opinyon

Maikling kasaysayan ng ipinag-panic buying mo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa panic buying ng toilet paper noong COVID-19 lockdown alamin natin ang kasaysayan ng produktong ito. Nakakatawa, mula sa Internet.

Ang unang ulat ng paggamit ng t-pap ay sa 6th-century China. No’ng 14th century mina-mass produce na ito ng gobyerno ng China.

Noong 1857 lang nagkaroon ng nakapaketeng t-pap sa America, gawa ni Joseph Gavety. Nakatatak sa bawat sheet ang pangalan niya. Nu’ng 1935 unang nakagawa ng Splinter-Free Toilet Paper – walang salubsob, wala ring aray. Mga Amerikano ang nagdala ng t-pap sa Pili­pinas. Bago nu’n iba’t iba ang pamahid: damo, dahon, tang­kay ng papaya, dayami, mais, balat ng prutas, patpat, buhangin, bato, o sigay.

Dahil sa global demand, halos 30,000 puno ang naga­gamit araw-araw; 19 milyon sa isang taon. Kada rolyo ay mga 333 sheets. Kada punta sa kubeta gumagamit ang mga Amerikano ng 8.6 na piraso. Pitong porsiyento sa kanila ay umaamin na nag-uuwi ng toilet paper ng hotel.

Ang pamahid ng mayayamang ancient Romans ay lana na binabad sa rose water; ang French royalty ay lace. Ang Queen of England ay seda.

Pito sa 10 tao ay di nagti-t-pap dahil mahal o walang kubeta. Ang Europe at Japan mas pabor sa bidet.

Nadudurog ang t-pap dahil maiikli lang ang fibers. Regular na t-pap ang gamit sa International Space Station pero selyado at pitpit sa espesyal na inodoro. Nu’ng Desert Storm t-pap ang pinangkubli ng U.S. Army ng mga tangke. Umuubos ang Pentagon ng 666 rolyo kada araw.

Uso noong dekada-1940 ang de-kolor na t-pap. Tatak Renova ng Portugal, ang pinaka-mahal ngayon, $3 (P160) kada pinabangong rolyo na 3-ply. Pulang Renova ang gamit ni Beyonce; itim ang kay Kris Jenner. Nagpapa-design contest ang Charmin ng pangkasal na gawa sa t-pap; premyo: $2,000. Sumulat si Koji Suzuki (kilala sa horror movie na “The Ring”) ng nobela na inimprenta sa toilet paper. Ang setting ay sa isang banyo, at ang haba ay tatlong metro.

vuukle comment

COVID-19

LOCKDOWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with