^

PSN Opinyon

Cimatu, trouble- shooter lagi ang peg

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Bilib ako kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu. Kahit anong krisis ang kaharapin ng bansa, laging siya ang itinatalagang “trouble shooter” ng pamahalaan.

Sa ngayon, ang nagiging sentro ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas ay ang Cebu City at ang itinalaga ng Pangulong Duterte para manguna sa kampanya sa pagbaka sa pandemya doon ay si Cimatu.

Panahon pa ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo ay may reputasyon na sa pagiging jack of many trades iyang si Cimatu. Siya ay naging Armed Forces Chief noong panahon ni Arroyo na kalaunan ay naging embahador nang magretiro sa military.

Siya ngayon ang itinalaga ng Pangulong Duterte upang mamuno sa sangay ng Inter-Agency Task Force of Emer­ging­ Infectious Diseases sa Cebu City.

Palibhasa ay “utak sundalo “walang assignment na hindi hinihindian itong si Cimatu, at base sa mga nagawa na niya noon pa, napatunayan niyang kaya niya ang mga gawaing ipinapatong sa kanyang balikat. Kilala kasi ang kakayahan niya at dedikasyon sa maraming bagay.

Magugunita na noong magkaroon ng krisis sa Middle­ East sa simula ng taong ito, si Cimatu ang Hinirang ng Pangulo bilang special envoy ng Pilipinas  para mangasiwa sa pagpapabalik sa Pilipinas ng mga OFW na apektado ng gulo sa nabanggit na rehiyon. Matagumpay niyang nagam­panan ang kanyang tungkulin doon.

Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit apatna libo ang naitatalang positibo sa COVID-19 sa Cebu City, bagay na nakaaalarma. Buo ang tiwala ng Pangulo na sa pangu­nguna ni Cimatu ay magtatagumpay ang inilunsad na prog­­rama laban sa pandemya sa naturang lungsod.

Dapat siguro, bigyan ng karagdagang titulo si Cimatu bilang Presidential Chief Troubleshooter.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with