^

PSN Opinyon

Umutot pwede, umubo bawal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nabigatan daw sila sa dalawang artikulo ko nu’ng nakaraang linggo tungkol sa nabalam na edukasyon at karalitaan, anang ilang mambabasa. O sige, joke time muna: Mga naipon ko nu’ng kasagsagan ng lockdown:

• Kabo: Bakit po K9 ang tawag sa malalaking aso, sir?

Supt.: Syempre ‘pag tinawag mo silang K10, hindi na sila aso.

Kabo: Ano na sila, sir?

Supt.: Maliit na pusa.

• Doc: Iha, mukhangpumapayat ka at hinang-hina pa. Sinunod mo ba advice ko na 3 meals a day?

Girl: Diyos ko! 3 meals a day ba? Akala ko 3 males a day eh!

• May nagpapa-translate sa akin ng signage sa Tagalog: “Emergency Exit”. Ang sabi ko, “madaling labasan...? Parang bastos ‘ata.

• Tip for long life: ‘Wag mo isusulat name mo sa condolence book ‘pag dumalaw ka sa patay. Kasi pagtapos ng libing nagkakaron ng raffle kung sino’ng susunod.

• Guro: Pedro, late ka na naman.

Pedro: Late po kasi relo ko.

Guro: Problema ba ‘yun. E ‘di i-advance mo.

Pedro: Sige po. Aalis na po ako.

Guro: Saan kapupunta?

Boy: Uwian na po!

• Mrs.: Kung alam ko lang ‘di sana ako nagpakasal sa iyo! ABS ka!

Mr.: Anong ABS?

Mrs.: Alak, Babae, Sugal.

Mr.: Ikaw CBN!

Mrs.: CBN?

Mr.: Chismosa, Bungangera, Nagger!

• Dalawang lalaki ang sabay nag-jogging:

Guy 1: Pre, doctor ako. Kaya ako tumatakbo kasi health conscious ako! Ikaw, pre?

Guy 2: Snatcher, pre! Wealth conscious ako.

• Bakit binaril ng bobo ang girlfriend niya? Kasi sinubukan niya kung totoong first love never dies.

• Binago ng COVID-19 ang buhay natin. Nu’ng bata ako kung may lagnat, nanay ko lang ang nag-aalala; ngayon buong barangay na. Ngayon mas mabuting umutot sa publiko kaysa umubo. Dati umiiwas tayo sa tao na negatibo; ngayon umiiwas tayo sa positibo. Dati naka-mask huli ng pulis; ngayon pulis ang naka-mask, huli ang hindi.

vuukle comment

LOCKDOWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with