^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga ‘Bagong Bayani’na nagkakalkal ng basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga �Bagong Bayani�na nagkakalkal ng basura

KAMAKAILAN lang napabalita ang mga overseas Pinoy­ workers sa Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates (UAE) na na-stranded dahil sa lockdown­ at karamihan sa kanila ay pinaaalis na sa mga tinitirahan dahil tapos na ang kontrata. Isang OFW sa Dubai ang pinutulan na ng kuryente ng may-ari ng apartment o villa dahil tapos na ang paninirahan. Iyak nang iyak ang OFW dahil sobrang dilim ng bahay at halos na­ngangapa siya. Nakiki-charge na lang siya ng cell phone sa mga Pinoy na kakilala. Mas mahirap kasing walang CP dahil ‘yun lang ang tangi niyang gamit para maki­pag-communicate sa pamilya at kaibigan. Ayon sa lala­king OFW, nakatakda na talaga siyang umuwi pero inabutan ng lockdown. Walang flight pauwi ng Pilipinas.

Ang ibang OFWs na inabutan ng lockdown sa Abu Dhabi ay nakikiigib na lamang ng tubig sa mosque. Wala na rin daw tubig sa kanilang tirahan dahil pinutol na rin sapagkat tapos na ang kontrata nila sa apartment. Ang isang babaing OFW ay labis na nag-aalala dahil buntis siya. Kapag hindi pa raw siya nakasakay ay baka hindi na siya payagan dahil sa kalagayan. Ayaw niyang manganak sa Abu Dhabi dahil mahal ang gastos sa panganganak doon at isa pa wala na rin siyang pera. Naubos na ang ipon dahil sa tagal nang lockdown.

Sa huling balita, nakauwi na rin ang stranded OFWs sa Dubai at Abu Dhabi dahil tumugon ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) at ang POLO.

Ngayon ay mayroon namang OFWs sa Riyadh, Saudi Arabia na miserable ang kalagayan dahil hindi umano sila sinusuwelduhan ng kompanya at dahil wala na silang malapitan, namumulot na lamang sila ng basura at pagkain sa basurahan. Bukod daw sa walang suweldo, hindi man lang sila binibigyan ng face mask, sanitizer, at iba pang gamit para maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19. Humihingi sila ng tulong sa gobyerno na tulungan sila.

Nang kapanayamin naman sa radyo si Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi nito na hindi naman daw pina­babayaan ng kompanya ang mga OFW. Pinasuweldo na raw ang mga ito. Binisita na rin daw ang mga ito ng POLO.

Kung totoo ang sinabi ni Bello, wala palang dapat ipag-alala sa mga OFWs sa Riyadh. Pero mas mabuti pa rin kung personal niyang makakausap ang mga apektado para malaman ang totoo. Mahirap kung basta lang makikinig sa sabi ng mga tauhan niya sa Riyadh. Tiyakin dahil nakakaawa naman ang mga OFW na nagkakalkal ng basura para may makain. Hindi ito dapat mangyari sa mga tinaguriang “Bagong Bayani”.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with