^

PSN Opinyon

Kaligtasan at dignidad

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Anti-Terror Law at conviction ni Maria Ressa at Reynaldo Santos ng Rappler. Hindi lamang ang pandemya­ ang issue na bumabagabag sa lipunan. Marami ang kumo­kondena sa mga kilos ng Ehekutibo at Lehislatibo sa Anti-Terror at ng hudikatura sa Rappler. Lutang ang sentimyento na kahit napapailalim sa quarantine ay hindi natin nalilimutan ang ating mga karapatang pantao.

Ang pangunahing target ng dalawang hakbang ng pamahalaan ay ang pagsupil sa mga kumukuwestiyon sa kanilang mga desisyon. Sa kaso ng Rappler, kung gaano kahigpit ang pagsuri nito sa gobyerno ay ganoon din ang kawalan ng pagpapahalagang isinukli ng huli. May hugot ang pagkasuya ng administrasyon. Sa wari nila’y may bahid ng pulitika ang kilos ng Rappler.

Ang Anti-Terror bill ay matinding kinakailangan. Anu­mang maitutulong upang mapagaan ang kalbaryo ng admi­­nistrasyon na labanan ang terorismo ay bagay na ika­sisiya ng marami. Kaya nga lang, sa bawat maisasalba sa kara­hasan, meron ding inosenteng maaaring madawit sa kahigpitan ng batas. Ito ang kinatatakutan.

Maganda sana ang layon ng dalawa. Kaya nga lang ay malinaw na may mapeperwisyong karapatan kapag ito’y ipinatupad. Sa lahat ng kilos ng isang pamahalaan sa loob ng demokrasya, imposibleng masiyahan ang lahat. Hindi naman ito all or nothing. Kailangan lang ang ma­yorya ang manaig. Laging magkakaroon ng minorya.

Subalit kahit pa nasa minorya ang malulugi, tanggap din ng lipunan na kailangan silang pahalagahan. Diyan papasok ang mga garantiya sa Saligang Batas na popro­teksyunan nito ang mamamayan laban sa pagmamalabis ng higanteng pamahalaan.

Sa gitna ng pandemya, ang pag-akala ng iba ay tanging ang kaligtasan ng tao ang mahalaga. Ang leksyon mula sa pagtindig ng tao laban sa Anti-Terror Law at sa conviction nina Ressa at Santos ay kulang ang kaligtasan kapag kinaltasan naman ito ng dignidad.

vuukle comment

RAPPLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with