^

PSN Opinyon

Phone pang-contact tracing, pagbubukid, online schooling

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PAMALIT ang contact tracing sa COVID-19 lockdowns. Pero malimit di maalala ng subjects lahat nang pinuntahan at tinagpo. Kailangan ng tulong ng tech. Merong boluntar­yong app, gamit ang Bluetooth o Wi-Fi, para ma-store sa gadgets ng users lahat ng tagpo, saan, kailan, at gaano katagal. Kapag naimpekta ang isang user sasabihan niya ang system, walang identity o location. Iaalerto lahat ng na-expose para magpa-test at isolate.

Uubra ‘yon kung bawat isang Pilipino ay may smartphone.

Kikiling sa kanayunan ang ekonomiya. Pagkain ang titin­­ding kalakal. Sisipa ang pagtatanim, pangingisda, poul­try, livestock, piggery, dairy, forestry, at materyales at ma­ki­narya­. Kakailanganin nang mabilis at kumpletong impor­masyon online para sa taga-nayon tungkol sa bumibili, bulto, presyo, pondohan, sasakyan. Pati training ay online.

Muli, uubra ‘yon kapag bawat isa sa atin ay may smartphone.

Dapat na bumalik-eskuwela ang mga bata, kundi’y ma­pu­pulpol sila. Pero hangga’t walang bakuna kontra COVID­-19 kailangan pa ring mag-physical distancing. Kakain ito nang malaking espasyo. Lalong kukulangin ang dati nang kon­ting classrooms. Kaya mas gagamitin ang online learning. Kokonekta sa teacher ang estudyante na nasa bahay. Kanya-kanyang sulok magwa-Wi-Fi ang magkakapatid. Mula pa dekada ‘90 marami nang online-learning modules sa iba’t ibang subjects: Reading, Writing, Math, Sciences, Social Studies, at iba pa.

Maisasakatuparan ito kung lahat ay magkakaroon ng smartphone.

Posible kayang pag-isahing programa ang app-based­ contact tracing, info-tech sa kanayunan, at online schooling­? Umano, 75% ng 110 milyon Pilipino ang naka-Internet. Samakatuwid, puwera mga sanggol at musmos, 20 milyon pa ang walang smartphones. Maari bang ang susunod na social amelioration ng gobyerno ay bigyan sila ng gadget at koneksiyon? Hindi kailangang high-end. Basta may Wi-Fi puwede na – para sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon.

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with