^

PSN Opinyon

Biktima ng frat (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NANG awtomatikong iakyat sa Supreme Court (SC) ang kaso, hindi itinanggi ng abogado ng akusado na ginawa nito ang pagpatay sa biktima. Pero ang inilalaban nila ay walang sapat na ebidensiyang nagpatunay na may kataksilan at paggamit o pag-abuso ng lakas sa krimen. Ayon sa SC, walang kataksilan at pag-abuso sa lakas. Maitutu­ring daw “hearsay” ang testimonya ni Sarhento Mendoza tungkol sa sinasabing initiation at hindi matatanggap bilang­ ebidensiya. Hindi rin puwedeng ipagpalagay na may kataksilan. Dapat muna itong patunayan tulad ng krimen. Mayroong kataksilan kung ang paraan ng pagpatay ay sinadya para siguraduhin na magtatagumpay sa pagpatay ang akusado at walang magiging depensa ang biktima.

Sa kasong ito, ayon na rin sa dalawang testigo, hindi tama na sabihin na ang paraan na ginawa ni Jun at mga kasamahan ay sinadya para siguraduhin na magagawa ang pagpatay na walang magiging balik sa kanila. Kahit daw hinabol pa ni Jun at mga kasama si Eric ay hindi naman masasabi na may kataksilan. Madali para kay Eric na harapin sila at lumaban sa grupo. Hindi rin sapat ang mga sugat sa balikat at likod ng biktima para sabihin na may ginamit na kataksilan. Walang katibayan na hindi nakipagsapalaran ang mga akusado kung sakali at nanlaban ang biktima. Tumestigo lang ang dalawa tungkol sa ginawang paghabol ng grupo ni Jun at pananaksak kay Eric. Hindi sila nakapagbigay ng pahayag kung paano nag-umpisa ang lahat. Sa mata ng lahat, nagpatuloy ang paghabol ng grupo hanggang mapatay ang biktima pero walang napatunayang kataksilan o pagtatraydor na ginawa.

Wala ring napatunayan na pag-abuso ng lakas. Ang pag-abuso ng lakas ay ang paggamit ng sobrang kapangyarihan na hindi tugma sa magiging depensa ng taong ina­­atake. Hindi naman ibig sabihin na may kasamang apat na lalaki ang akusado ay masasabing gumamit na siya ng sobrang lakas. Ang ginawa lang naman ng apat na kasama ni Jun ay pumalakpak pero hindi sila nagtangkang manakit sa biktima.

Ang alibi naman ni Jun ay walang kuwenta dahil nga may dalawang testigo na nagpatunay tungkol sa kanyang ginawa at positibo siyang itinuro. Kaya ang krimeng pagpatay na ginawa ni Jun ay maituturing na homicide lamang dahil walang sirkumstansiyang nagpabigat sa krimen. Hinatulan siya ng pagkabilanggo mula 10 hanggang 15 taon at pinagbabayad ng danyos na P12,000 at P20,000 (Pp. v. Martinez, G.R. No. L-31755, March 31, 1980).

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with