^

PSN Opinyon

Anti-Terrorism bill magiging batas na

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila nang matinding pagtutol ng maraming sektor sa bansa, nasa lamesa na ni President Duterte ang panukalang batas ng dalawang Kamara ng Kongreso para labanan ang terorismo. At dahil sinertipikahang “urgent” ng Pangulo, mas nakalalamang ang posibilidad na ito’y pirmahan, bagay na pinangangambahan ng mga advocates ng malayang pamamahayag at mga militanteng maka-kaliwa.

Hanggang sa huling sandali, kinakalampag ng iba’t ibang academic institutions si Duterte na i-veto ang bill. Salungat daw ito sa demokratikong diwa ng konstitusyon. Hindi kaya suntok sa buwan ang apelang ito ng mga tutol sa panukalang batas? Palibhasa, natatakot ang mga militanteng grupo at iba pang kritiko ng administrasyon na baka ang panunuligsa nila ay iklasipikang terorismo at sila’y usigin at ikulong.

Lubha umanong malawak ang klasipikasyon ng tero-rismo sa letra ng panukalang batas at ramdam ng mga tumutuligsa sa pamahalaan na baka ang mga pahayag nila ay tawaging terorismo at sila’y pag-usigin at ikalaboso.

Para sa akin, basta’t malinaw na pinupuntirya ng batas ay yaon lamang mga terorista na nambobomba at naghahasik ng lagim nang walang ideyolohiyang isinusulong, wala akong tutol. Pero kung may mga butas sa batas na puwedeng magsangkot sa mga nagsusulong ng adbokasiya at bumabatikos sa gobyerno, kasama ako sa mga magpoprotesta laban diyan.

May tatlumpung araw pa para pirmahan ni Duterte ang panukalang batas. Puwede niyang i-veto ang alinmang bahagi nito o ang kabuuan ng panukalang batas. Sana, bago ito lagdaan, pakinggan ng Pangulo ang tinig ng mamamayan tungkol sa bill upang magkaroon tayo ng isang batas na katanggap-tanggap sa nakararami.

Kung ito’y malagdaan at maging ganap na batas sa gitna ng pagtutol ng marami, ang tanging magagawa na lamang ng mga sektor na tumututol ay ipetisyon sa Korte Suprema na ibasura ang batas na ito.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with