^

PSN Opinyon

COVID-19 humuhupa na nga ba sa Pinas?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung ibabase sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, tila ang pahiwatig ay humuhupa na ang kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila. Ani Roque, naobserbahan ang aniya’y “downward trend” o pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit.

Paliwanag ng Department of Health, kung lumalabas na mas marami ang naitatalang bilang ng mga dinapuan ng sakit, ito ay bunga ng mas mabilis na testing ngayon na isinasagawa ng pamahalaan na hindi kagaya noong dati na mabagal. Sa totoo lang, malayo pa para magsaya tayo dahil­ ang trend sa buong mundo ng mga nagkakasakit sa pan­demyang ito ay mataas pa rin at nananatiling North America ang nangunguna. Hindi na tayo tutukoy ng estadistika dahil laman na iyan ng balita sa diyaryo, radyo at telebisyon.

Ayon sa Malacañang, sa magandang trend na ipina­ki­kita ng Pilipinas, posibleng paluwagin pa ang umiiral na com­munity quarantine. Subalit, dagdag ni Roque, ka­ilangan pang obserbahan ang sitwasyon bago gumawa ng hakbang upang luwagan o higpitan ang quarantine.

Sa ilalim ng MGCQ, mas pinahihintulutan ang tinata­wag­ na public gatherings at mas maraming industriya ang papa­yagang mag-operate. Gayunman, may mga alitun­tunin pa rin na dapat sundin kaugnay nito.

Ang pinakasentro ng pandemya sa Pilipinas ay ang Metro Manila kaya ayon kay Roque, matamang inoob­serbahan ang sitwasyon. Kasi, hangga’t hindi naibabalik sa normal na sitwasyon ang kalagayan ng bansa, limi­tado rin ang usad ng ekonomiya. Ani Roque, sa darating na Hunyo­ 15, maaaring magkaroon ng reclassification ang status ng quarantine sa Kalakhang Maynila at iyan ay depende sa pagbaba o pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with