^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Stranded OFWs sa NAIA saklolohan ng OWWA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Stranded OFWs sa NAIA saklolohan ng OWWA

Hanggang kahapon, nasa paligid pa rin ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga stranded overseas Filipino workers (OFWs). Karamihan sa kanila ay dumating pa noong Marso pero hindi nakauwi sa kani-kanilang probinsiya dahil sa ipinatupad na lockdown sa Luzon. Nakitira lang sila sa mga kaanak at kaibigan. Noong Huwebes, nakatanggap sila ng balita na puwede na raw silang umuwi sa kani-kanilang probinsiya dahil nasa general community quarantine (GCQ) na ang maraming lugar. Mabilis silang nagtungo sa NAIA.

Pero fake news pala ang kanilang natanggap. Pagdating sa NAIA, sinabi sa kanila na wala pang flight. Isa pa, kailangan ay naka-book sila para makasakay ng eroplano.

Ang mga OFWs ay bigumbigo sapagkat ang akala nila ay makakauwi na sila sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Ilan sa kanila ay mahigit tatlong buwan nang stranded sa Metro Manila. Karamihan sa mga OFW ay galing ng Saudi Arabia.

Isang babaing OFW ang nagsabi na may nag-text umano sa kanya at pinapunta sa NAIA sapagkat mayroon na umanong biyahe ang eroplano. Ayon sa OFW, noong Marso 7 pa siya dumating at nag-home quarantine siya sa bahay ng isang pinsan pero inabutan siya ng lockdown noong Marso 16 kaya hindi na nakauwi sa kanilang probinsiya sa North Cotabato. Ayon sa OFW, naubos na ang kanyang dalang pera.

Karamihan sa mga OFW na dumagsa sa NAIA ay naglatag na lamang sa sidewalk at doon humiga sa tindi ng pagod at ang iba ay nagugutom. Hindi raw nila akalain na ganun katinding problema ang kanilang kahaharapin. Ilan sa kanila ay mayroon nang health pass na katunayan ay sumailalim na sila sa 14-day quarantine.

Nagkaloob ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng pagkain sa mga stranded. Pero higit pa rito ang inaasahang tulong ng OFWs. Ayuda na kailangang-kailangan para makauwi sila sa kanilang probinsiya. Gusto na nilang mayakap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang mga OFW ay tinaguriang mga “bagong bayani”. Sila ang katulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya dahil sa nire-remit nilang pera. Ngayong kailangan nila ng tulong, dapat naman silang ayudahan at buhusan ng tulong. Sana magawa ito ng OWWA.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with