^

PSN Opinyon

May puso at titik ang batas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MGA jeepney drivers na namamalimos dahil walang tinanggap na ayuda, kulong at hindi tulong ang inabot!

Sinasabi ng mga dalubhasa na may “letter” and “spirit” ang batas, na kung Tatagalugin ay, titik at puso. Kung ipatutupad ang titik ng batas, ito ay nagiging marahas at sasabihing “hindi makatao” ng iba. Ngunit kung ikukunsidera ang puso ng batas, ito ay umuunawa sa mahigpit na dahilan kung bakit nakagawa ng paglabag ang isang tao.

Sa kanto ng EDSA at Bonifacio Monument sa Caloocan kamakailan, may anim na jeepney drivers na hindi makapamasada ang hinuli at ikinulong ng mga alagad ng batas sa custodial center ng Caloocan dahil sa pamamalimos. Ang karamihan sa kanila ay mga senior citizens na ibig lang makapaghanapbuhay. Ipinagharap na raw ng karampatang demanda ang mga drivers.

Ayon kay Caloocan City Police Chief, Colonel Dario Menor, lumabag sa batas ng social distancing, unauthorized persons outside residence, illegal assembly at disobedience ang mga drivers, at hindi makalalaya hanggang walang piyansa. Saan kukuha ng pampiyansa ang mga ito eh namamalimos na nga para may makain? Sana ay may sumaklolo na sa kanila dahil kaawa-awa ang mga taong ito.

Ipinairal sa kanila ang “titik” ng batas. Wika nga sa legal parlance “Dura lex, Sed lex”. Pero ilang linggo lang ang nakararaan, sinaluduhan natin ang isang opisyal ng PNP sa Maynila nang magkaroon ng ganyan ding sitwasyon. May mga sinitang drivers na nagpapalimos.

Pero imbes na agad hinuli, pinatabi sila at kinausap ng opisyal nang mahinahon at nang malaman ang kanilang problema, binigyan pa sila ng ayudang bigas ng naturang Police officer. Pinairal ng opisyal ang “puso” ng batas na may pang-unawa sa pinagdaraanan ng mga sinitang jeepney drivers. Teka, kailan ba talaga ibibigay ang financial aid na hinihintay ng mga kawawang driver na ito na ayaw pang payagang pumasada? Kung may puso ang batas, dapat lalong may puso ang hangarin ng gobyernong tumulong sa mga nangangailangan. 

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with