^

PSN Opinyon

Mga tanong tungkol sa GCQ sa Metro Manila

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

First day ng General Community Quarantine (GCQ) nga­­yon pero di pa rin makakabiyahe ang mga jeepney hanggang Hunyo 22. Pero sabi ng DSWD, isusulong ang pagbibigay ng ayuda sa kanila.

Ako man ay naiinip na pero kailangang maglaho muna ang mikrobyong  salot sa sangkatauhan bago tayo maging kampante.

Oo nga’t puwede nang pumasok sa mga opisina pero paano makararating ang mga commuters sa kanilang destination kung wala pang mga tradisyunal na mga jeepney  at bus mula June 1-21? Okay sana kung malapit sila sa MRT/LRT stations. Kung meron kang foldable bike, puwede raw ipasok sa MRT o LRT.  Sa ilalim ng guidelines, mag-taxi o gumamit ng bike o motor basta walang angkas. May qua-rantine restrictions pa kasi sa Metro Manila dahil nariyan pa ang COVID-19.

Hinihimok din ang mga kumpanya na magtalaga ng shuttle para sa mga empleyado. Magandang halimbawa sa mga LGUs ang ginawa ng Pasig City. Umupa ang siyudad ng shuttles para sa mga manggagawa at iba pang awtorisadong lumabas. Ipatutupad daw unti-unti o “by phases” ang pag-operate ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila.  Sensitive kasi ang pandemic kaya hindi puwedeng biglaan ang implementation ng pagbabalik sa normal.

Paliwanag ng DOTr at LTFRB, bibigyan muna ng prioridad ang mga sasakyang malaki ang capacity pero susunod  na papayagan ang traditional jeepney at bus, pero ito’y pinag­aaralang mabuti upang tiyakin ang kaligtasan ng passengers. Mahirap nga namang magpatupad ng social distancing sa liit ng mga jeepney. Kailangan din diyan ng automatic fare collection para maiwasan ang mano-manong abutan ng pasahe.

Ang punto pa rin ay limitahan ang bilang ng mga taong lumalabas dahil kaligtasan nating lahat ang nakataya. Pero marahil naman, hindi naglulubay sa pag-iisip ng solusyon ang mga henyo ng gobyerno para solusyunan ang problema na lahat naman ng tao ay naaapektuhan.

Humihingi ng pang-unawa ang pamahalaan. Sa ganang akin, ibibigay ko iyan dahil kahit ako, up to this point ay nahihintakutan pang lumabas at baka madale ng nakakakilabot na sakit na ito.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with