^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Sex-for-pass’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Sex-for-pass�

May bagong reklamo sa mga pulis na nagbabantay sa checkpoint. At hindi maganda ang reklamong ito sapagkat muling sasadsad ang imahe ng pambansang pulisya kung hindi ito maiimbestigahan at maparusahan kung may katotohanan ang alegasyon ng mga nagrereklamo.

Ito ay tungkol sa sinasabing “sex-for-pass” kung saan pinapayagan na makalampas sa checkpoint ang babaing walang quarantine pass pero ang kapalit nito ay ang pakikipag-sex. Ginagawang dahilan ang kawalan ng quarantine pass.

Pitong babae ang nagsabi sa pamamagitan ng social media na nakaranas sila ng mapait na karanasan sa ilang pulis para makalampas lamang sa checkpoint. Bukod sa sexual favor, may mga nagsabi rin na nakaranas sila ng physical abuse sa quarantine checkpoints.

Noon pa, mayroon nang nagreklamong babae sa ilang bantay na pulis sa checkpoint na kung anu-ano raw kabastusan na may kaugnayan sa sex. Akala raw siguro ng pulis ay “cheap” siyang babae porke naka-shorts siya makaraang parahin sa checkpoint. Wala naman daw siyang violations. Mayroon naman daw siyang quarantine pass. Hindi na lamang daw pinansin ng babae ang mga bastos na pananalita ng ilang pulis dahil takot din siya.

Ang reklamo ng pitong babae na biktima ng “sex-for-pass” ay nakaabot sa Malacañang at pinayuhan ang mga ito ni Presidential Spokesman Harry Roque na maghain ng reklamo. Kung takot daw ang mga babae na magreklamo, personal daw na pumunta sa kanyang opisina ang mga ito at tutulungan niya o kaya’y magreklamo sa women’s desk. Lahat daw ng police stations ay may women’s desk.

Sabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa, wala naman silang natatanggap na reklamo mula sa mga babaing biktima ng “sex-for-pass’’. Sabi ni Gamboa, ang mga pulis na mapapatunayan sa ganitong gawain ay masisibak sa puwesto at mabibilanggo ng 20 hanggang 40 taon.

Dapat lumantad ang mga babae para maim-bestigahan ang mga pulis na sangkot. Hindi sila dapat magsawalang-kibo. Kailangang malaman ang katotohanan sa alegasyong “sex-for-pass’’.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with