^

PSN Opinyon

Maysakit na Pinoy, takot maubos ang pondo ng PCSO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nangangamba ang mga maysakit na mahihirap na Pinoy na maubos ang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office at hindi na matustusan ang gastusin nila sa pagpapagamot.

Kahit sa panahon ng COVID pandemic, walang patid ang agos ng tulong ng PCSO sa maysakit nating kababayan. Eh sa panahon ngayon, sarado ang gaming products ng PCSO kaya hindi nalalayo na matutuyo ang balon nila.

Dipugaaaa! Saan na lang sasandal ang mga may sakit nating kababayan kapag wala nang pondo ang PCSO? Noong May 18-22 nag-abot ng tulong si PCSO General Manager Royina Garma na P33.8 mil­yon sa 4,320 na may sakit na Pinoy sa Medical Access Program (MAP). Umabot naman sa P7.4 milyon ang inilabas para sa 974 nating kababayan noong Mayo 26 at P7 milyon para naman sa 960 maysakit sa kasunod na araw. Noong nakaraang Biyernes, halos P7 milyon din ang itinulak ng PCSO sa 946 na Pinoy. Siyempre, ang nasa isipan ng mga may sakit, paano kung maubos ang pondo ng PCSO dahil sarado naman ang mga gaming products nila tulad ng Small Town Lottery (STL), Lotto, Keno, Sweepstakes at Scratch-It? Nakadagdag stress din itong pag-iisip ng mga maysakit sa panahon ng COVID. Dipugaaaa!

Kapag nagbukas kasi itong gaming products ng PCSO, nakakasiguro itong maysakit nating kababayan na may sasandalan sila habang hindi pa nawala ang virus sa bansa. At dahil ibababa na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa bukas, luluwag na ang pagkilos ng mga Pinoy kaya’t puede na ding makasabay ang PCSO dahil isang ahensiya din ito ng gobyerno na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.

Arok pa ng mga kosa ko na itong gaming products ng PCSO ay pinagkakitaan ng mga kubrador na nakahilira sa “no work, no pay” na mga Pinoy. Siyempre, kinukulang na ang ayuda ng gobyerno sa kanila kaya’t kapag nagbukas ang palaro ng PCSO, buhay na naman ang hasang nila. Subalit hindi si Garma ang magdedesisyon dito kundi si President Digong. Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with