^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naglipana ang mga Chinese clinic

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Naglipana ang mga Chinese clinic

NAGHAHATID ng pangamba ang mga natutuklasang klinika ng mga Chinese sa iba’t ibang bahagi ng bansa na ang mga ginagamot ay mga Chinese din na infected ng COVID-19. Ang mga natutuklasang klinika ay walang pahintulot ng Department of Health (DOH) at maski ang mga naaarestong “doktor” ay walang maipakitang lisensiya o katibayang manggagamot. Mahirap makipag-communicate sa mga naaarestong nagpapatakbo ng clinic sapagkat hindi marunong magsalita ng Ingles.

Unang natuklasan ang klinika na pinatatakbo ng mga Chinese sa loob ng isang gusali sa Makati City noong nakaraang buwan. Hindi sana ito matutuklasan kung hindi dahil sa natanggap na reklamo na nagbabara ang drainage sa gusali. Nang inspeksiyunin, nakita na medical wastes ang nakabara sa mga tubo. Natuklasan ang hindi lisensiyadong clinic na ang mga pasyente ay infected ng COVID-19.

Dalawang linggo na ang nakararaan, isang clinic din na pinatatakbo ng mga Chinese ang natuklasan ng mga pulis sa Parañaque City. Ang clinic ay may hospital beds, may mga gamit na pang-test sa COVID-19 at maraming gamot na ang label ay nakasulat sa Chinese. Wala ring permit ang clinic. Kinumpirmang ang ginagamot sa clinic ay mga Chinese na may COVID-19.

Ang pinakamalaking clinic na sinalakay ng mga pulis ay ang nasa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga noong nakaraang linggo. May pitong kama ang pasilidad at kumpleto sa gamit para sa pagsusuri at pag-test sa mga may COVID-19. Pawang Chinese ang ginagamot. Wala ring maipakitang permit ang mga Chinese na nag-o-operate ng clinic. Nasa 500 Chinese ang nahuli sa loob. Itinanggi ng Fontana na may kinalaman sila sa operasyon ng clinic.

Noong Huwebes, naaktuhan naman na may mga Chinese din na nagsasagawa ng rapid test para sa COVID-19 sa loob ng isang pribadong subdivision sa Parañaque. Walang permit mula sa DOH at LGU ng Parañaque ang COVID test.

Naghahatid ng pangamba at takot sa mamamayan ang nangyayari. Habang naghihigpit ang pamahalaan, naglipana naman ang mga Chinese kung saan-saan. Mai-imagine na kaya maraming clinic ay dahil maraming Chinese ang infected sa bansa. Paano ang pag-iingat ng mga Pilipino?

vuukle comment

CHINESE CLINIC

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with