^

PSN Opinyon

Pekeng pulis sa Cebu, ‘wag tularan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAGSILBING leksiyon sa mga nagpapanggap na pulis ang inabot ni Ruel Abella dahil maliban sa humihimas na ng rehas na bakal, napahiya pa siya at ang kanyang pamilya. Ang masama pa, nagpakilala si Abella, 33, na miyembro ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) at nakialam sa Operation Katok ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Cebu police. Iniutos kaagad ni IMEG director Brig. Gen. Ronald Lee na arestuhin si Abella matapos mabatid ang ginawa niya kaya sa kangkungan ang bagsak niya. Hindi lang kahiya-hiya ang sinapit ni Abella dahil katakut-takot pa na kaso ang inabot niya. Sa ngayon, mukhang mahaba-habang panahon pa si Abella sa kulungan. Dipugaaaaa!

Ayon kay Lee, nagsagawa ng Operation Katok ang mga pulis sa Bgy. Lutopan sa Toledo, Cebu City nang dumating si Abella lulan ng isang Honda Mio Scooter, nagpakilalang taga-IMEG Visayas at sinita sila. Tumawag ang mga tunay na pulis kay Lee na nag-utos kaagad na ares­tuhin ito dahil wala silang Abella sa roster nila sa IMEG Visayas. Nakumpiska kay Abella ang isang caliber .45 pistol at isang granada. Hak hak hak! Di ba non-bailable ang possession of explosives mga kosa? Dipugaaaa! Ang angkas ni Abella, na 16-anyos ay nagtangkang tumakas subalit naaresto rin matapos ang habulan. Nakumpiska sa minor ang dalawang sachets ng shabu. Ano ba ‘yan!

Ayon kay Lee, may ipinakitang ID si Abella subalit na-print lang ito sa isang computer at nilagyan lang niya ng pangalan sa likod. Iniutos ni Lee na ipasailalim sa background investigation si Abella kung ano ba talaga ang lakad niya. May mga naunang kaso kaya siya? Maaari ring sangkot ito sa pagtutulak ng droga dahil sa nakumpiskang ebidensiya sa 16-anyos na kapitbahay niya sa Bgy. Canlumampao sa Toledo City.

Nanawagan si Lee sa mga Pinoy na ‘wag tularan si Abella kung ayaw nilang mapahiya sa publiko. Ayon pa kay Lee, may COVID man o wala tuloy lang ang trabaho nila. Abangan

vuukle comment

PULIS

RUEL ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with