^

PSN Opinyon

Ex-Cabinet sec na senador na ngayon, panay kiyaw-kiyaw!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Isang dating Cabinet secretary sa administrasyon noon ni P-Noy at ngayon ay isa nang senador ang kiyaw-kiyaw nang kiyaw-kiyaw. Malakas ang loob na pumuna sa kasalukuyang administrasyon pero nakalimutan na mas masahol pa noong panahon nila.

Well Senator, if you know how to throw your punches, be sure that you’re ready to absorb my rapid punches as well. Ang lagay eh, ikaw lang ang puwedeng magkiyaw-kiyaw.

Balikan natin ang nakaraan. Tandang-tanda ko pa noong mga panahong nasa Radyo Singko pa ang BITAG Live at naging laman ng aking programa ang secretary na ito. Paano’y nasa ilalim ng kanyang pamumuno ang National Irrigation Administration (NIA) ng mga panahong ‘yun na saksakan ng kapalpakan at kapabayaan.

May mga magsasakang nagtungo sa Maynila para iparating ang kanilang hinaing sa palpak, pabaya at tiwa-ling patubig ng NIA. Maging ang mga pari, tumulong na sa mga magsasaka para makaabot sa media ang problema ng mga ito.

Actually, nasa State of the Nation Address din ito ni dating Vice President Jejomar Binay noong 2016. Sabi ng dating Vice President, “Magkapatid ang kapalpakan at pagnanakaw ng mga kapartido’t kaalyado n’yo noong panahon ng dilawan. Kung walang corrupt, wala raw mahirap. Pagkaraan ng limang taon, marami pa rin ang mahirap at wagas ang pangungurakot.’’

Anong ibig sabihin? Bira ka nang bira ngayon at napakadali mong nalimutan ang mga baho, katiwalian, kapalpakan at kapabayaan ng pamunuan n’yo noon! Kaya ikaw Senator, magpakatotoo ka sa sinasabi mo. Bago mo pansinin ang baho ng basura sa bakuran ng iba, tingnan mo muna ang bakurang pinanggalingan mo.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with