^

PSN Opinyon

Bigyang prayoridad ang edukasyon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

“Kung walang bakuna walang pasukan.” Iyan ang walang gatol na pahayag ni Presidente Duterte sa harap ng hindi pa masawatang pandemya sa COVID-19. May katu­wiran naman ang Pangulo. Hindi dapat isakripisyo ang buhay at kalusugan ng mga batang mag-aral.

Pero paano kung abutin ng maraming taon bago maka­tuklas ng bakuna? Masasakripisyo naman ang pagkakataong dumunong ng ating mga kabataan. Kailangan ang mga alternatibong paraan tulad ng pagtuturo sa pamamagitan ng internet na ikinukonsidera ngayon. Pero ang problema, hindi lahat ng pamilya ay kayang bumili ng com­puter at internet.

Humanap pa ng ibang sistema. Karamihan nga­­yon, mayaman o mahirap ay may TV at DVD player kaya puwedeng maghanda ang Department of Education (DepEd) ng mga lesson sa DVD.

Kung marami pa rin ang walang telebisyon dahil sa kahirapan, gawing virtual classroom ang mga barangay halls o kahit covered courts at doon ilagay ang telebis­yon at DVD players at puwedeng magdaos ng klase doon kahit limang estudyante lang para may physical distancing. Kung gusto, laging makakahanap ng paraan.

Importante ang edukasyon dahil iyan ang ugat at puso ng lahat ng kaunlaran sa ekonomiya, sosyal at politikal. Kaya sa palagay ko, bagamat pinag-uukulan ng pansin ang pagbangon ng ekonomiya, dapat ding bigyan ng kapa­­re­­hong prayoridad ang paghanap ng alternatibo para huwag­ maudlot ang pag-aaral ng mga kabataan.

vuukle comment

COVID-19

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with