^

PSN Opinyon

Bakit ka naman bibigyan ng P5,000-P8,000 kung...

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

JOKE time, para sa mga nanggigigil dahil hindi binigyan ng P5,000-P8,000 ng DSWD. Sinala nila ang mga tatanggap, batay sa ilang panuntunan. At natuklasan, palibhasa mabuti, na: (1) may aircon ka; (2) naka-postpaid ka; (3) may TV Plus ka; (4) may WiFi ka; (5) flatscreen ang TV mo; (6) may subscription ka sa Netflix o ETC; (7) may placemat kayo sa lamesa; (8) may bidet kayo sa toilet; (9) naiikot ang gripo sa lababo mo; (10) nag ii-Starbucks ka; (11) ginagawa mong tubig ang milk tea; (12) Joy ang brand ng dishwashing liquid mo; (13) Gardenia ang brand ng tinapay mo; (14) Downy brand ang fabcon mo; (15) Purefoods ang hotdog na binibili mo; (16) Alfonso ang iniinom mong alak; (17) sa bahay may stock ka ng palaman; (18) spaghetti ang handa mo at ‘di pansit pag b-day; (19) chicken ang tawag mo sa ulam at ‘di manok; (20) Coke iniinom mo at ‘di RC; (21) ‘di mo na hinahati ang Kojic soap sa tatlo; (22) nakakakain ka sa fastfood na hindi inuuwi ang ketchup... Isa lang diyan, disqualified ka; certified middle class ka na.

Sagutan ng posts sa website: “Hoy, DOLE, nasaan 10k ayuda para sa aming OFW? Puro kayo kurakot! Wala na kaming makain!”

“Good day po. Sorry, wala po kaming programang ganyan.”

“Mga p---, wag nyo kurakutin ang pera na para sa amin. Marami kaming nag-apply ng assistance, hanggang ngayon wala pang release.”

“Saan po ba ninyo isinumite ang applications ninyo? Sa Pinyahan po ba o sa Sagingan?”

“May gana pa kayo makipag-biruan, mga mangungurakot. Ire-report namin kayo sa tanggapan ng presidente. Wala kayong kuwenta.”

“Kami po ay isang goods production company na may website na https://www.dole.com. Marahil tinutukoy po ninyong sangay ng gobyerno ay ‘yung https://www.dole.gov.ph; sakop nila ang labor at employment.”

“Ay ganun po ba? Salamat...”

“Btw, try our quality products, gaya ng pineapples and bananas....”

vuukle comment

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with