^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangamba sa second wave

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pangamba sa second wave

MARAMI ang nangamba sa sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules na nananalasa na raw ang second wave ng COVID-19 sa bansa. Noong Marso pa raw ito nag-umpisa kung saan biglang dumami ang mga nagpositibo sa virus. Ayon kay Duque, ang first wave umano ay nangyari noong Enero kung saan isang turistang Chinese mula sa Wuhan ang nagpositibo at sunud-sunod na ang pagdami ng kaso. Sa kasalukuyan, 13,597 na ang positibo sa COVID-19 sa bansa at 857 na ang namamatay.

Ang pahayag ng Health secretary ay sinansala naman ng Malacañang at sinabing first wave pa lang ang nararanasan ng bansa sa kasalukuyan. Wala raw katotohanan ang ipinahayag ng DOH na second wave. Kanya-kanya raw kasi ng interpretasyon ang mga tao. Sabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque, para ring abogado ang mga doktor na may kanya-kanyang opinyon o interpretasyon.

Ang paghahayag ni Duque na nasa second wave na ang bansa ay eksaktong isang linggo makaraang isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at Laguna. Sa ilalim ng MECQ, maaari nang magbukas ang ilang malls, establisimento at pabrika pero mahigpit pa ring ipatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask. Sa pagluwag, biglang nagdagsaan sa mall ang mga tao na sabik na sabik dahil sa dalawang buwan na lockdown. Nagkaroon din ng trapik sa EDSA at iba pang malalaking kalsada nang dumagsa ang mga motorista.

Nagpaumanhin si Roque sa mamamayan sa idinulot na pangamba bunga ng sinabing second wave. Wala raw intensiyon ang pamahalaan na maghatid ng takot sa sambayanan.

Wala namang dapat ipangamba sa sinabi ng DOH. First wave o second wave man ang nararanasan ngayon, ang mahalaga ay ipagpatuloy ng mamamayan ang pag-iingat at pagiging alerto. Mahigpit na ipatupad ang social distancing. Huwag papasukin sa mall, groceries at iba pang establisimento ang walang face mask. Ipagbawal ang pagkumpul-kumpol ng mga tao. Malalabanan ang virus na ito kung susunod sa mga ipinag-uutos at makababalik na sa normal ang pamumuhay at gugulong ang negosyo. Huwag mangamba.

vuukle comment

DOH

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with