^

PSN Opinyon

Bigatin talaga si General Sinas

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sabi nila, “a good leader always defends and protects his people.” Iyan ang katangian ng ating mahal na Presidente. Kaso, pasensya ka na kung hindi ka niya “people” dahil sa iyong pagkakamali ay puwede kang arestuhin at parusahan.

Sa kabila ng kontrobersyang kinasangkutan ni NCRPO Chief, General Debold Sinas, mananatili siya sa kanyang puwesto dahil siya ay - sa paglalarawan ng Pangulong Duterte, ay isang “honest cop” o tapat na pulis.

Nauna nang idinepensa ni Philippine National Police Chief, Director General Archie Gamboa si Sinas na mahusay at mahirap palitan. Iyan ay sa kabila nang naipaskil na larawan ni Sinas sa social media na nagdaraos ng birthday party na may kasamang inuman kahit may liquor ban. Marami sa mga dumalo ay walang suot na face mask at makikitang hindi sumusunod sa social distancing.

Anang Pangulo, hindi kasalanan ni Sinas kung dagsain man siya ng kanyang mga kaibigan at tauhan at kantahan ng mañanita. Tanong ng isa kong kaibigan, bakit ang ordinaryong mamamayan na lumalabag sa quarantine protocols ay arestado at kulong agad, kapag minalas pa ay nababaril?

Ordinaryong tao lang kasi tayo kaya bow na lang nang bow sa mga kautusan. Sabi nga ng isang prayleng Kastila nang mahuling kumakain ng steak sa Biyernes Santo, “sundin niyo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.”

Sa mga nakakaunawa, ang mga pahayag ko ay pawang pakutya sa mga nakikita nating double standard na pamamalakad sa ating gobyerno. Kapag ordinaryong tao ang lumalabag sa batas, nasisilip agad pero bulag sa mga kabulastugan ng mga sariling tauhan nito.

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with