^

PSN Opinyon

Dahan-dahan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nakinig ako sa press conference ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa ECQ na tapos na dapat ng May 15. Nagpakita ng mapa ng Pilipinas si Roque kung saan kinulayan ang mga rehiyon. May berde, dilaw at pula. Ang Metro Manila ay pula. Kinlaro na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang MM hanggang Mayo 31.

Batay sa payo ng WHO, ang naging rekomendasyon ng IATF-EID na dapat dahan-dahan ang pagluwag ng qua­rantine, ay tama lang para hindi muling kumalat ang virus­. Kaya sa ilalim ng MECQ papayagan na ang paglabas sa bahay para makabili ng pangangailangan at makapasok sa mga trabaho na papayagang magbukas pero hanggang 50% muna. May listahan na makikita sa internet kung alin ang mga papayagang gawin at hindi pa. Kailangang buhaying unti-unti ang ekonomiya. ‘Yun nga lang, wala pa ring pampublikong sasakyan. Paano makakapasok ang mga trabahador? Pribadong mga shuttle ang kakailanganin.

Sari-sari ang opinyon ng mamamayan. Malinaw naman na pagod na rin sa dalawang buwan na quarantine ang mga tao. Ayon kay DFA Sec. Locsin dapat general community quarantine (GCQ) na mas maluwag na, para malaman kung natuto na ang mamamayang mag-ingat. Para sa kanya, kung dumami ang kaso ng COVID-19, dapat sisihin na ang mga tao mismo. Hindi na nakakagulat ang mga ganitong pahayag mula kay Locsin. ‘Di yata niya naiisip na hindi ito simpleng pangyayari ‘di lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang isang epektibong liderato ang magsasalba ng buhay ng tao rito. Kaya nga may mga pinuno.

Para sa akin, banta pa rin ang COVID-19 sa lahat. Kung papayagan na ang paglabas ng bahay, hindi ako magtataka kung marami ang lalabas kaagad. Kailangan nating tumi­ngin sa South Korea. Nang lumuwag sila, dahil sa tingin ay nabawasan ang mga kaso ng COVID-19, sumipa uli ang dami ng kaso. Ipinasara uli nila ang clubs at bars. 

Hindi na magiging normal ang buhay hangga’t walang­ bakuna. Dapat kabahan sa paglabas. Kung magiging kampante ang marami, baka matulad tayo sa South Korea at Singapore­. Kaya ang pag-iingat ay dapat nasa isip ng lahat­. Mag-face mask, maghugas ng mga kamay at social distancing. Ayaw natin ng second o third wave ng COVID-19.

vuukle comment

ECQ

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with