^

PSN Opinyon

Dynamite fishing sa Pilar, Capiz, talamak!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

GRABE ang dynamite fishing sa Pilar, Capiz kaya ang mga mangingisda roon ay wala nang nahuhuli sa karagatan. Dahil dito, tinatawagan ko si Pilar Mayor Perez na gumawa ng hakbang upang mapigilan ang dynamite fishing. Ipapakalat naman ni Capiz Provincial Police office chief Col. Julio Gustilo ang kapulisan upang mahuli ang mga gumagamit ng dinamita. Ngayong marami nang naghihirap dahil sa COVID-19, dapat putulin na ang masamang gawaing ito para sumagana ang isda.

Noong early 80’s naging fishing ground ang karagatan ng Pilar, Capiz. Dito nakukuha ang mga semilya ng bangus, sugpo at alimango na ipinupunla sa mga pala­isdaan. Kaya ang Capiz ay itinuring na seafood capital of the Philippines. Ngunit ngayong talamak ang dynamite fishing, halos wala nang nahuhuling isda roon. Sa malalayong lugar na nagtutungo ang mga mangingisda upang makahuli nang binebenta nila sa palengke. Kaya ang panawagan nila kina Mayor Perez at Colonel­ Gustilo­ na hulihin at panagutin sa batas ang mga guma­gamit ng dinamita sa pangingisda. Totoo kaya na ang mga Bantay Dagat ay kakutsaba ng mga gumagamit ng dinamita?

Samantala, muling pinalawig ng Philippine Charity­ Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang serbisyo sa Metro Manila. Puntahan ang website na www.pcso.gov.ph at i-klik ang E-Service and NCR online application para mapro­seso ang medical assistance para sa chemotherapy, dia­lysis, hemophilia at post-transplant medicine. Ayon kay PCSO General Manager Royina Germa, “The agency, adhering and complying to the Bayanihan to Heal as One Act, emphasizes and strengthens this auxiliary role espe­cially in providing healthcare to Filipinos, bearing a part of the weight and augmenting government efforts in these strained and challenging times.”

Maaaring tawagan ang kanilang hotline numbers mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m.-5:00 p.m.: (Globe) 09178807150/09273139380; (Smart) 09190683699/ 0949­-0310843.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with