^

PSN Opinyon

Pagsarado ng ABS-CBN: hindi kataka-taka

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Bago mag-alas-otso ng gabi noong Martes, nagpaalam si Noli de Castro sa mamamayan, dahil tigil na ang operasyon ng ABS-CBN sa utos ng NTC. Maraming hindi makapaniwala, nagalit at umiyak. Ako, masasabi na hindi naman nagulat. Hindi kataka-taka. Panay naman ang banta ng Pangulo mismo na ipasasara ang network. Iba na ang panahon ngayon. Ang US President nga biro n’yo nagpahayag na baka puwedeng ipasok ang Chlorox sa katawan ng tao para patayin ang COVID-19, sabay kambiyo. Dito sa atin, basta tahasang pinasara ang pinakamalaking network na nagsilbi ng 70 taon. Walang malinaw na dahilan.

Ano ang ibig sabihin nito para sa mga mamamahayag? Natatandaan ko noong 1986, na napatalsik ang diktador na si Marcos, naging malaya ang mamamahayag. Kahit si Pres. Cory Aquino pa ang nagbalik ng malayang pamamahayag, sinabi na puwede siyang punahin at sabihin ang mga pagkukulang. Walang natatakot noon. Ngayon, magagawa ba iyan nang hindi ka matatakot na baka arestuhin, sampahan ng kaso o tanggalan ng prangkisa? Hindi ko na makilala ang pamamahayag ngayon dahil diyan. Iba na rin ang buhay ko ngayon. Nag-asawa ako, nagkaroon ng dalawang anak. Pero hindi nawala ang journalism sa aking dugo. Sa pagpapasara sa ABS-CBN, medyo naghintay din ako ng sunod na kilos ng mga mamamahayag at ni President Duterte. Gaano kaingay ang boses ng mamamayan? Ano ang gagawin ng mga mambabatas?

Sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN o ang pagbigay ng provisional authority (PA), malinaw ang mga katotohanan. May sulat mula sa Senado at Kongreso na puwedeng bigyan ng PA ang istasyon. Sumang-ayon ang DOJ. Nangako ang mga opisyal ng NTC noong Marso na magbibigay sila ng pahintulot. Tulad din naman ng ibang kompanyang binigyan ng PA habang nakabinbin ang prangkisa sa Kongreso. Pero pumasok si SolGen Jose Calida at naipasara ang network sa isang cease and desist order. May 14 na pahinang sulat na nakuha ang ABS-CBN kung saan pinilit ng SolGen ang NTC na huwag magbigay ng PA. Hindi naman kapani-paniwala na ang SolGen lang ang nagdesisyon dito. Bakit walang konsideras­yong ibinigay sa ABS-CBN? Kaya hinala nang marami, ito ay isyu ng press freedom. Hindi legalidad. Dahil wala pa namang napatunayan na paglabag sa batas ang network. Kung kailan pa dapat nagkakaisa ngayon kontra COVID-19, saka inalis ang pinagmumulan ng impormasyon at libangan ng mga Pilipino. Tila bumalik tayo sa panahon na hindi puwedeng tahimik lang. Kailangang piliin ang direksyong tatahakin.

vuukle comment

NTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with