^

PSN Opinyon

Ang gusto ng Pangulo ang siyang mangyayari

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM na ng bawat Pilipino na noon pa man ay malaki na ang galit ni Presidente Duterte sa ABS-CBN sa dahilang hindi na natin ididetalye dahil kahit maliit na bata ay alam na. Nagbayad ng milyones si Duterte para sa kanyang political ad na hindi naman ginamit ng ABS-CBN.

Siya mismo ang naunang nagsabi na hahadlangan niya ang renewal ng prangkisa ng network na nakabinbin sa Mababang Kapulungan. Kaya sa palagay ko, hindi na dapat maghugas-kamay ang Pangulo sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission na nagpapatigil sa operasyon ng mga himpilan ng radio at television ng network.

Sabi nga ng kawikaan sa Ingles, “call a spade a spade.” Huwag nang ipamarali ni Spokesman Harry Roque na kahit ang Presidente ay walang magagawa sa abot ng kanyang kapangyarihan para baliktarin ang kautusan ng NTC na tigil-operasyon sa ABS-CBN. Iyan kasi ang totoong gusto ng Pangulo bunsod ng kanyang malaking galit sa network. Ang huwag nang mag-operate ang ABS-CBN.

Kung iyan ang ibig mangyari ng Pangulo, magpakatotoo na lang siya at huwag itanggi na wala siyang kinalaman sa nangyari.

Ngayon, ang sinisisi ni House Speaker Alan Peter Ca-yetano ay ang pagsira sa pangako ng NTC na magbibigay ito ng provisional authority sa network habang nakapending ang pag-aproba sa prangkisa ng network. Sa tingin ko, puro scripted ang suporta kunwari ng Mababang Kapulungan at ng Department of Justice sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.  Ito ay upang ipakitang may malaya silang kaisipan na salungat sa gustong mangyari ng Pangulo.

Tutal, alam na ng sambayanan ang karakter ng Pangulo. Prangka at hindi nagtatago ng nararamdaman galit. Totoo namang naaayon sa batas ang mga hakbang na ginawa. Pero ang batas, bagama’t sinunod ay ayon lamang sa mga letra nito at hindi sa espiritu.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with