^

PSN Opinyon

Ugaliin: Paghuhugas ng kamay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga ipinapayo para huwag kumalat ang COVID-19 ay ang laging paghuhugas ng kamay. Mabisang paraan ito para makaiwas sa nakamamatay na sakit na nananalasa sa bansa ngayon at sa buong mundo.

Ayon sa Department of Health (DOH), 20 percent lang ng mga kabataan ang naghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng kubeta, at 44 percent lang ng mga matatanda.

Milyun-milyong bacteria ang makukuha kapag hindi naghugas ng kamay pagkatapos dumumi at puwede itong mailipat sa gripo, pinto at flush handle. Kapag may susunod na hahawak sa mga gamit na ito, puwede na silang mahawa.

Marami pang sakit ang nakukuha kapag hindi nag-hugas ng kamay. Kabilang dito ang pagtatae, hepatitis A, salmonella, typhoid fever, cholera, amebiasis, bulate, sore eyes, at impeksyon sa balat.

Hindi nakapagtataka na 500,000 kaso ng pagtatae ang nakikita ng doktor bawat taon sa ating bansa. At tinatayang 10,000 bata ang namamatay sa pagtatae bawat taon. Kaya sikapin nating maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Nakalulungkot isipin na maraming tao ang hindi naghuhugas at nagsasabon ng kamay pagkagamit ng kubeta. Sana, mabago na natin ang masamang habit na ito. Hindi lang ito para sa ating kalusugan, kundi para na rin sa kapakanan ng ibang tao. Iwasang magkasakit, ugaliing maghugas ng kamay.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with