^

PSN Opinyon

Delivery – Ang bagong normal

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic naging uso ang delivery services, particular ang pagkain dahil sa lockdown, commmunity quarantine, enhanced community quarantine at maging ang general community quarantine.

Kasi nga sarado ang mga restaurant at wala ring masakyan patungong supermarket na pagkahaba-haba ng pila dahil sa social distancing.

Sarado ang malls, event centers, mga gyms, offices, sabungan at maging simbahan ay hindi pa pinahihintulutang magdaos ng misa.

Ito ay upang makasiguro na hindi magkukumpulan sa iisang lugar ang mga tao at nang maiwasan ang pagdami ng mga infected ng COVID-19. At nangyayari ito sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Isang pindot nga lang ng cell phone ay agad-agad nakakaorder tayo ng kung anong kailangan natin ma-ging gamot din dahil nga sa dumami ang deliver services ngayon.

At ang delivery services na rin ang naging paraan ng mga may puwesto na nagtitinda ng karne, isda o gulay upang may kita sila kahit paano.

Nakikita na natin ang trend sa mga darating na araw dahil sa COVID-19 pandemic. Ito ay ang pamamayagpag ng delivery sa darating pang mga taon.

vuukle comment

COVID-19

DELIVERY SERVICES

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with