^

PSN Opinyon

Mapaparalisa ang pamahalaan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung ikukonsidera ang mga alituntunin para sa mga senior citizens sa ilalim ng General Community Qua-rantine (GCQ), tiyak hindi gagalaw at mapaparalisa ang operasyon ng gobyerno. Mantakin mo naman na ang lahat ng nasa edad na sisenta pataas ay pagbabawalang lumabas ng tahanan dahil sila umano ay madaling mahawa sa COVID-19.

Si Presidente Duterte ay mahigit na sa pitumpung-taong gulang at ang karamihan sa mga miyembro ng kanyang gabinete ay gayundin. Pati sa mga mambabatas sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ay marami na ang senior citizens. Kahit ang mga mahistrado sa hudikatura ay pawang mga senior citizens na.

Kung gagawing exempted and President at lahat ng mga opisyal ng pamahalaan sa regulasyon, baket? Ano ang kaibahan ng mga opisyal ng pamahalaan at sila ay ipinupuwera sa mala-house arrest na patakaran? Hindi ba sila tinatablan ng karamdaman?

Maraming seniors ang bread-winner pa rin. Ako man ay retirado na sa edad na 71 pero aktibong naglilingkod sa pahayagang ito bilang manunulat at kolumnista. Ma-lakas pa rin ako at malusog sa edad na ito. Marami pang kagaya kong nakatatanda ang aktibo sa pagiging haligi ng kanilang tahanan. Kulungin mo sila at gugutumin mo ang kanilang mga pamilya.

Sinasabi naman ng DILG na exempted naman daw    ang mga working seniors sa regulasyon na hindi naman sapilitan. Pero nakasulat ba iyan sa batas? Dapat linawin ito upang maiwasan ang pakikipagtalo sa mga checkpoints.

vuukle comment

ECQ

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with