^

PSN Opinyon

Trabaho para sa lahat paano maisasagawa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TAUN-TAON sa Labor Day ang isinisigaw ay taas-sahod at seguridad sa trabaho. Pero ang dapat targetin ay “full employment” o trabaho para sa lahat. Kapag lahat ng mamamayan edad 18-pataas ay may pinagkakitaan lalaki ang demand para sa konting aplikante. Tataas ang sahod ng lahat kasi ayaw ng mga kumpanya na umalis ang manggagawa na ginastahan na ng training at benepisyo. Aalagaan sila ng mga boss, at unang pang-enganyo ay seguridad ng empleyo -- kabaliktaran ng “endo” o end-of-contract ng mga panandaliang trabahador. Mas dadami pa ang pabuya sa manggagawa: dagdag bakasyon, paaral, health insurance, at iba pa.

Mahalaga ang trabaho sa lahat. Karamihan sa middle class -- mga propesyonal -- ay umaasa sa sahod at konting assets (paupahang kotse o kuwarto, tindahan, sideline). Mas lalo ang uring manggagawa na lahat ng kita ay sa pabrika o opisina. Nakakatakot ma-layoff o magkasakit.

Posible ang trabaho sa lahat. Nagagawa ito sa mara-ming bansa sa Europe (Finland, Denmark, Estonia) at ilang states sa USA (California). Nagawa nila ito dahil sa tatlong sabay-sabay na patakaran:

• Kontrol sa interest rates para maenganyo ang negos­yo, malaki o maliit, na umusbong at lumaganap. Magandang targetin ng gobyerno ang natural na taas-sahod na 3.5-4% kada taon, anang mga eksperto. Limitahan ang pagmahal ng bilihin (inflation) sa 2% o mas mababa.

• Planuhin ang pagdami ng trabaho hindi lang sa siyudad at pabrika kundi pati kanayunan at komunidad. Galingan ang edukasyon at skills training para maging mas produktibo ang tao. Bawasan ang buwis ng mga negosyo na matindi mag-empleyo.

• Gumasta ang gobyerno sa infrastructures. Sa paggawa ng kalye, tulay, pier, airport, tren, terminals, at refo-restation, maraming direktang ineempleyo. Nanganganak din ng mga negosyo: Construction supplies, kantina, uniporme, sasakyan, makina at komunikasyon na kakailangan ng parami nang paraming manggagawa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

LABOR DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with