^

PSN Opinyon

Patas na imbestigasyon please?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Hinihiling na ng Philippine Army ang tulong ng NBI na gumawa ng patas na imbestigasyon sa pagpatay kay Winston Ragos, isang dating sundalo na may post-traumatic stress disorder. Ito’y matapos na tila aabsuweltuhin na ng ilang PNP official si Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr., batay sa mga panayam nila sa media. Sinasabing “judgment call” ang ginawa ni Florendo. Kung iyan ang tatanggaping paliwanag ng PNP, ano pa ang ikakaso kay Florendo? Parang kulang na lang na sabihin ng PNP na “nanlaban” si Ragos. Pero dahil sa batikos na inaabot ng PNP ngayon, siguradong ‘di nila ito maipapahayag.

Ang paghingi ng patas na imbestigasyon ng Philippine Army ay malaking bagay. Sabihin na natin na marami silang tanong. May dalawang video sa insidente. Ang kuha ng CCTV sa kalsada, at ang kuha ng police trainee. Si Florendo lang ang armado, kaya pala nakatayo lang ang apat na trainee. Wala silang ginawa kundi sumigaw. Sa video ay kitang-kita na napakatagal nang nakataas ang mga kamay ni Ragos habang nakatutok ang baril sa kanya. Kung apat naman ang mga trainee at nakatutok na ang baril kay Ragos, bakit hindi na lang ito pinosasan? At ano ba ang dahilan para ilabas ni Florendo ang kanyang baril? Paano niya masasabing armado si Ragos kung sa tingin niya ay ilalabas pa lang ang baril dito sa sinasabi niyang “judgment call”? At nandiyan ang tanong kung may baril ba talaga o wala si Ragos.

Dalawang magkasalungat na paniniwala ang umiiral ngayon. Ayon sa Napolcom, ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang dapat humahawak sa lahat ng ebidensiya sa lugar ng krimen. Dinampot umano ng mga pulis ang bag ni Ragos at dinala. Pero ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas, may karapatan ang pulis na i-secure ang ebidensiya at ibigay sa SOCO. Ayon sa mga testigo, na narinig sa video, may nakikiusap sa mga pulis na huwag barilin si Ragos at hindi armado. Wala kasing video na magpapakita na armado nga si Ragos. Hindi na natin ito matitiyak hangga’t matapos ang imbestigasyon. Samantala, binigyan ng “full military honors” si Ragos nang ililibing sa Libingan ng mga Bayani. Mabuti naman.

vuukle comment

NBI

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with