^

PSN Opinyon

Kapaligiran at pandemic malaki ang kaugnayan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa mga environmentalists, may kaugnayan ang pagkasalanta ng kapaligiran sa pagsulpot ng mga bagong karamdaman gaya ng COVID-19 na sumasalanta sa buong mundo ngayon.

Dahil dito, isinusulong ng mga environment advocates ang mga pinalakas na biodiversity protection measures upang piliin ang paglaganap ng mga nakahahawang karamdaman lalo na sa hinaharap.

Ayon kay Theresa Mundita Lim, executive director ng ASEAN Biodiversity Center, ang pagkasalanta ng biodiversity at ecosystems ay maaaring magbunga ng mga bagong viruses na puwedeng magpasimula ng isang pandemic.

Sabi nila nagmula ang COVID-19 sa pagkain ng mga exotic animals na nagmula  sa wildlife o kagubatan. Pero ayon kay Lim, ang lumalawak na exposure ng tao sa wildlife sa pangkalahatan ang malamang na dahilan ng transmission ng virus.

Paano nagaganap iyan? Ang problema ng kapaligiran ngayon ay ang pagkaubos ng mga kagubatan bunga ng pamumutol ng mga punongkahoy. Ang mga sanktuwaryo para sa mga wild animals ay nauubos. Dahil diyan, ang mga hayop ay wala nang mapanahanan kaya nakakapiling na ng mga tao.

Oo nga naman, lumalawak ang urbanisasyon at pati ang mga pinananahanan ng mga wild animals ay sinasakop na ng tao. Lalo pang pinalulubha ito ng pagkain ng tao sa mga hayop na hindi naman nakatalaga para natin kainin. Dapat isaalang-alang ng ating mga awtoridad sa gobyerno ang bagay na ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with