^

PSN Opinyon

America pa rin ang tutulong sa Pinas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGUGUNITA natin na tahasan nang winakasan ni Pre­sidente Duterte ang relasyon sa ating matagal nang kaalyadong bansa, ang Estados Unidos para ilipat ang ugnayan sa China.

Ngunit sa harap ng matinding krisis na sumasaklot sa buong daigdig, America pa rin pala ang siyang mag-aalok ng tulong sa atin sa pakikibaka sa pandemya ng COVID-19. Ito’y kahit na matindi ring sinalanta ng COVID pandemic ang naturang bansa na ngayo’y siya ng pinaka-sentro ng pandemya dahil sa rami ng mga dinarapuan ng naturang karamdaman.

Personal na tumawag sa Pangulo si US President Do-nald Trump at sinabi niya na maglalaan ng mas malaking tulong pinansyal ang America para tiyakin ang tagumpay ng Pilipinas laban sa paglaganap sa COVID-19. Para sa akin, sorpresa ang pangyayaring ito. Si Trump ay halos katulad ni Duterte na may kagaspangan ang ugali at mataas ang pride.

Buong akala ko, hindi na tayo makakaasa ng tulong mula sa US dahil sa maanghang na pananalita ng Pangulo laban sa naturang bansa. Walang sinabi ang Malacañang kung tinanggap ni Duterte ang alok. Pero sa tingin ko, walang choice ang Pangulo kundi tanggapin ito dahil kapus din naman tayo sa pondo at kahit ang mga maralita nating kababayan ay umiiyak dahil hindi sila naaambunan ng pangakong social amelioration.

Masakit ang ginawa ng Pangulo nang putulin niya nang wala sa panahon ang Balikatan war exercise ng Pilipinas at America na bahagi ng mutual Defence Treaty ng dalawang bansa. Pero sa nangyaring personal na pagtawag ni Trump kay Duterte, nakikita natin ang hangarin ng America na ipreserba pa ang ugnayan ng dalawang bansa. Importante ang Pilipinas sa US porke isa tayong strategic location para panatilihin nito ang control sa Pasipiko at Timog Silangang Asya.

Kailangan ng US na manatili ang puwersa sa Pilipinas lalo na sa panahong nagpapakita ng pagka-agresibo ang China sa militarisasyon sa West Philippine Sea.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with