^

PSN Opinyon

Dapat bang palitan si Sec. Duque?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY kasabihan na sa isang digmaan, huwag magpapalit ng kabayo sa kalagitnaan ng labanan. Inaakusahan si Health Secretary Francisco Duque ng “incompetence” o kawalang kakayahan sa paghawak sa situwasyon ng paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas.

Nagpalabas ng resolusyon sa Senado na nananawagan sa kanyang pagbibitiw.  Mahirap na problema ang pandemya ng COVID-19 at halos lahat ng mga bansang tinamaan nito ay “nangangamote” sa pagsawata sa problemang ito na nagmula pa sa People’s Republic of China.

Maraming puna ang mga mamamayan tungkol sa paghawak ng pamahalaan sa problema. Ito ay mula sa sistema ng pagtukoy sa mga dinapuan ng karamdaman na napa-kakupad hanggang sa pamamahagi ng mga relief goods sa sambayanan na hindi makalabas ng kani-kanilang bahay dahil sa Expanded Community Quarantine (ECQ). Sa madaling salita, bawat aspeto ng problema ay may depekto. Isang bagay iyan na hindi nakapagtataka.

Bagong sakit ito na lumalaganap at wala pang bakuna o gamot para rito. Lahat ng mga gobyerno sa mundo ay na-ngangapa sa kadiliman sa pag-apuhap ng solusyon. Walang eksperto sa paglutas sa umiiral na problema. Kaya nga ang lahat ng bansa ay nagpatupad ng lockdown para hadlangan ang pagkalat ng sakit. Pero lockdown man, hindi garantisadong epektibo dahil maraming tao ang nakalalabag dito.

Hindi ako tagapagtanggol ni Duque. Totoong nahihirapan siya sa pagharap sa problema. Pero ang tanong, kung papalitan siya, nakatitiyak kaya tayo na ang taong ipapalit sa kanya ay may kakayahan para epektibong lutasin ang problema? Iyan ang tanong. Si Duque ay nasa dilentera na ng labanan sa unang araw pa lamang. Maski papaano, medyo kapado na niya ang situwasyon. Kung papalitan siya, eh ‘di back to square one ang hahalili sa kanya bilang Kalihim ng Kalusugan?

Sabagay tama si Duque na imbes manawagan ang kanyang mga kritiko sa kanyang pagbibitiw, makipagtulu-ngan na lang sila sa digmaan laban sa pandemya. Hindi ito panahon ng pamumulitika. Kung inaakala ng iba na may mali sa paraan ni Duque, magbigay na lang sila ng mungkahi kung sa papaanong paraan epektibong mababaka ang karamdaman. Sa panahong ito, kailangang sama-sama tayo sa paglaban sa digmaan kontra COVID-19 sa pangunguna ng ating pamahalaan.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with