^

PSN Opinyon

Sabong, sabong, sabong

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Iisa ang pinanggalingan ng positive cases ng COVID-19 hindi lang dito sa Davao City kundi sa buong Mindanao.

Ito ay ang derby na naganap noong Marso 12 to 16 dito sa New Matina Gallera na dinaluhan ng may higit 1,000 sabungero na nanggaling pang Maynila, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Bukidnon, North Cotabato, Cotabato City, South Cotabato, Butuan City, Lanao provinces. Iligan City, Agusan provinces, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro at Davao Occidental.

At napag-alamang hinahabol na ng Department of Health ang may 9,000 hanggang 10,000 katao na kinokonsidera na “super spreader” simula pa lang sa may 500 na mga aktuwal na naroon sa sabungan noong mga araw na ‘yon ng Marso.

Wala naman sanang problema ang Davao City at maging­ ang ibang rehiyon ng Mindanao kundi lamang nang dahil sa derby na ‘yon na may dala ng COVID-19.

Kahit na zero cases ang Davao City at maging ang Davao region nitong tatlong mga huling araw, patuloy pa rin ang paghahanap at contact tracing ng DOH sa 9,000 to 10,000 katao na pinaniwalaan na mga “super spreader” nga. 

Kaya todo bantay dito sa katimugan na kung saan pina­iiral ang 12-hour curfew at liquor ban na 24 hours.

At istrikto rin ang ECQ dito kaya hindi basta-basta nakakalabas ang mga tao. Okay lang naman kami rito kasi sumusunod naman kami sa guidelines ng local government­ officials namin.

vuukle comment

SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with