^

PSN Opinyon

Milyun-milyon mawawalan ng trabaho dahil sa COVID

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tinataya ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 1.2 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa pandaigdig na pandemic sa COVID 19. Pero ayon sa pinakamalaking samahan sa labor at industriya,  posibleng umabot pa ito ng hanggang apat na milyon sa Luzon lamang.

Kung tatagal pa ang pandemic na ito na sumasakmal sa buong daigdig, hindi lamang Pilipinas ang apektado kundi lahat ng mga bansa. Mantakin mo naman na dahil sa lockdown, hindi kumikilos ang mga negosyo at ang tao ay hindi makalabas ng tahanan para magtrabaho.

Pero dumako muna tayo sa sitwasyon sa loob ng bansa na ngayon ay nangunguna na sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na may pinakamataas na bilang ng mga kinakapitan ng sakit. Sa pagbukas ko sa TV kahapon ng umaga, mahigit na sa 4 na libo ang kumpirmadong may COVID. Malapit nang lumagpas sa 5-libo at posibleng pa­tuloy pang tataas iyan sa paglipas ng mga araw. Pabilis nang pabilis habang hindi napipigil ang paglaganap ng sakit. Ibig sabihin, habang seryoso ang krisis, malabong alisin ang lockdown. At habang naka-quarantine ang lahat ng tao, walang paggalaw ang negosyo. 

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) malayo sa katotoha­nan ang pagtaya ng DOLE sa bilang ng mga mawawalan­ ng trabaho. Sa estimate ng TUCP, sa Luzon lamang ay 4 na milyon ang posibleng mawalan ng hanapbuhay. Kun­sa­bagay, hindi nag-iisa ang Pilipinas sa problemang ito. Ang kaibhan lang natin, ang ibang bansa ay may reserbang pondo para tulungan ang kanilang mamamayan. Tayo ay limitado lang ang pondo.

Ang pangamba ko lang, kung maglubha ang sitwasyon at mangailangang humingi tayo ng saklolo sa ibang bansa, aling bansa ang tutulong gayung sila man ay may suliranin? Ang sabi ni Pangulong Digong, tumataas ang bilang ng mga may COVID dahil sa mga pasaway na ayaw sumunod sa quarantine.

Kaso, napipilitang lumabas ang mga tao dahil kaila­ngan nila ng pera at hindi naman makatugon ng sapat ang pama­halaan para tustusan ang pangangailangan ng tao. Iyan, iyan ang malaking dilemma ng ating bansa ngayon! Manalangin po tayo at tama ang sinabi ni Duterte: Diyos lang ang may solusyon sa problemang ito.

vuukle comment

COVID-19

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with