^

PSN Opinyon

Ano nga kaya?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG ang COVID 19 ay isang malaking kasinungalingang naglalayong pagtakpan ang isang lihim; na ang lumalaganap na karamdaman sa buong mundo ay hindi dulot ng isang virus kundi  dahil sa mataas na radio frequency na kailangan para palakasin ang cyber technology.

Ano nga kaya kung ito ay isang grand conspiracy ng siyensya at ilang mga bansa  bilang preparasyon sa malawakang paggamit ng artificial intelligence na magpapatakbo sa transportasyon at iba pang makinarya na kailangan sa industria;

Ano nga kaya kung ilang araw mula ngayon ay may ibalita nang epektibong bakuna laban sa sakit pero ito’y hindi para bakahin ang virus kundi upang protektahan ang tao sa masamang epekto ng radiation mula sa mas mataas na frequency;

Ano nga kaya kung lahat ng tao ay oobligahing magpabakuna at ang mga tatanggi ay aalisan ng karapatan mamili, magbenta at makipagtransaksyon sa katuwirang panganib sila sa kalusugan ng publiko. Ang bakuna ay magtataglay ng maliit na microchip upang matukoy ang galaw at ginagawa ng sino mang taong nabakunahan;

At, ano nga kaya at dahil sa malubhang epekto ng pandaigdig na lockdown sa ekonomiya ay bumuo ng bagong sistema para ang mga nagbalak nito ay magkaroon ng kontrol sa lahat ng negosyo at takbo ng pananalapi;

At ang sino mang tatanggi sa bakuna, dahil itinuturing na panganib sa kalusugan ng publiko ay ililigpit; Ano nga kaya kung ito na ang umpisa ng tinatawag na New World Order?

Kay gandang tema para sa isang science fiction. Ngunit ano’ng malay natin? Baka nga magkatotoo ang ganyan scenario. Kailangang maging mapanuri tayo sa  lahat ng nga balitang ating nakakalap. Oo nga’t kailangang umiwas sa pagtunghay sa mga fake news pero gamitin din natin ang sarili nating pag-iisip at ihambing ang mga nagaganap ngayon sa sinasabi ng Bibliya, ang Salita ng Diyos. Higit sa lahat, manalangin tayo na magwakas na ang kinahaharap nating krisis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with