^

PSN Opinyon

Parusa sa mga lumalabag sa ECQ

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ) kaya nais ng PNP na parusahan o multahan ang mga lumalabag. Kung hindi ito gagawin, patuloy ang paglabag at kakalat ang COVID-19.

Ngayong aprubado na ang P200 bilyong pondo na pangsuporta sa mga mahihirap dapat lamang suportahan ang nais ng PNP na parusahan ang mga gumagala sa kalye. Dapat manatili sa mga tahanan upang mapigil ang pagkalat ng virus. Para masiguro ni Digong na sa mga mahihirap mapupunta ang bilyong pisong pondo, ang sa DSWD ang mamamahagi nito. Kung idadaan pa sa mga mayor at mga barangay kupitan este kapitan, kapiranggot na lamang ang mapupunta sa mga mahihirap.

Ang mga lalabag sa quarantine at curfew ay may kaparusahan gaya ng sumusunod: (1) Pagsuway at pagbalewala sa utos ng kinauukulan (Art 151 RPC-Disobedience and Resistance) Parusa: Kulong ng 1-6 buwan, multang P100,000; (2) Direct Assault. Kapag lumaban sa tagapagpatupad ng quarantine. Parusa: Kulong ng 6 na buwan hanggang 6 na taon at multang P200,000; (3) Paglabag sa RA 11332 gaya ng: hindi pagsunod o pakikiisa sa pag-ulat sa mga hinihinalang may COVID-19 o mga bumiyahe sa may COVID-19 na umuwi sa inyong lugar, pagtatago at ‘di pag-ulat ng nga kamag-anak at kapitbahay na alam mong may exposure sa COVID-19; hindi pagsunod o pakikiisa sa utos gaya ng community quarantine, hindi pag-uulat sa kinauukulan ng mga taong posibleng may COVID-19. Mga galing sa Maynila bago nagdeklara ng Luzon-wide quarantine, mga balikbayan, OFW, turista, at iba pa. Kasali na ang mga paggala ng mga suspected o posibleng nagka-COVID-19 sa halip na maglagi sa bahay sa loob ng 2 linggo. Parusa: Kulong na hindi hihigit sa 6 na buwan at multang P20,000- P50,000; (4) Paglabag sa RA 9271 (Anti Quarantine Act)  Kapag ang suspected at kumpirmadong may COVID-19 kasali ang PUI at PUM ay inatasang mag-quarantine ngunit nilabag. Parusa: Kulong ng 1 taon at multang P10,000-P50,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with