^

PSN Opinyon

Filipino nurses pina-pirate na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa harap ng lumulubhang COVID pandemic sa daigdig, pinipirata na ng ibang bansa ang ating mga health workers tulad ng mga nurses. Mabilis palibhasa ang pagtaas sa bilang ng mga dinarapuan ng COVID-19 kaya kailangan din ang mas maraming kakalinga sa kanila.

Kamakailan, nagpadala ng isang eroplano ang bansang Germany sa Pilipinas upang sunduin ang may 75-nurses na Pilipino para magtrabaho sa intensive care unit  ng kanilang mga pagamutan sa mga tinamaan ng COVID-19.

Sa liit ng sinasahod ng mga nurses sa Pilipinas, sad-yang irresistible ang alok ng isang maunlad na bansa at kung tanggapin man ito ng ating mga kababayang medical workers, hindi natin sila masisisi.

Ngunit sa isang crisis situation na dinaranas din ng ating bansa, Sana ay isaisantabi muna nila ang personal na ambisyon at unahing pagsilbihan ang ating mga kababayan na nakikibaka rin sa naturang karamdaman. Wala pa ta-yong nakikita ni banaag ng pagbuti ng situwasyon bagkus, tumataas pa ang bilang ng mga biktima ng COVID-19.

Ibig sabihin, kailangan pa ng karagdagang medical frontliners sa digmaang ito laban sa sakit. Kaya nga saludo tayo sa mga doktor, nurse at iba pang health workers na nasa dilentera ng labanan. Ang marami sa kanila ay nagbuwis na rin ng buhay dahil dinapuan ng sakit at pumanaw. Sila ang nangungunang bayani sa krisis na ito.

Tama ang panawagan ni Rep. Rufus Rodriguez na nagpatupad muna ng pagbabawal sa pagdedeploy ng mga medical workers sa ibang bansa. Hindi sa ibig nating hadlangan ang matayog na ambisyon ng ating mga kababayan kundi higit kailanman, kailangang-kailangan sila ngayon sa malaking problemang kinahaharap ng ating bansa.

vuukle comment

NURSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with