^

PSN Opinyon

Bawi ng kalikasan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

May hindi inaasahang epekto ang pag-lockdown nang halos buong mundo kung saan hindi na nga lumalabas ang tao sa kanilang mga tahanan. Mukhang binabawi ng kalikasan ang nawala sa kanila, dahil sa abuso ng tao. May mga ulat na namataan ang mga lumba-lumba sa baybayin ng Italy dahil hindi na nakadaong ang malalaking cruise ships doon. Lumalangoy na sila ng malaya. Sa Venice, Italy may swans na nakalutang sa mga kanal na sa ordinaryong araw ay puno ng mga gondola at turista. Ngayon, walang istorbo sa mga magagandang hayop na ito. Tiyak marami pang ibon ang makakadapo rin sa iba’t ibang lugar. Matutuwa ako kapag nakakita ng agila sa himpapawid ng Metro Manila.

Sa Singapore, mga otters naman ang laman ng mga park at garden dahil wala ngang mga tao. Sa mismong airport ng Israel, isang pamilyang gansa ang tumatawid nang walang takot dahil walang mga biyahe. Sa Nara, Japan, namamasyal ang mga usa sa istasyon ng tren.

Ilan lang ito sa mga halimbawa kung saan tila inaangkin, o nagkakaroon ng pagkakataon ang kalikasan na magamit din ang bahagi ng mundo na inangkin o inagaw na lang ng tao. Ngunit may mga sitwasyon na dahil nasanay na ang mga hayop sa mga tao, nawalan naman sila ngayon ng mga nagpapakain sa kanila, tulad ng mga unggoy sa Bangkok na para bang nilusob ang mga kalye. Nabanggit ko nga noon kung napansin ninyong hindi na amoy-EDSA ang hangin dahil sa kaunting sasakyan sa kalsada. Ayon sa DENR, gumanda na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila wala pang dalawang linggo mula nang ipatupad ang quarantine. Posible kaya na sa loob ng isang buwan wala nang amoy ang Pasig River at makakita rin tayo nang malalaking isda rito?

Ang mundo ay hindi lamang pag-aari ng tao. Maraming hayop at halaman ang may karapatan ding mabuhay. Pero dahil sa nasisira ang kanilang tahanan dahil ng pagputol ng mga puno, pagmimina, pagtatayo ng mga tirahan — ang mga hayop at halaman ang nalalagay sa alanganin at ang maraming uri sa mga ito’y naglalaho na. Baka hindi na mapakinabangan ng tao ang pagdiskubre ng gamot mula sa halaman para sa mga sakit. Kagagawan din ng tao ang kanyang sariling kawalan. Pero hindi rin natutulog si Inang Kalikasan. Kung magiging maramot ang tao sa planetang ito, baka kung anong maisip na paraan para pigilan ang paninira. Palaisipan: Hindi ba’t galing sa hayop ang COVID-19?

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with