^

PSN Opinyon

NAIA employees may libreng shuttle bus

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kabilang ang direktiba ni Boss Digong na magbigay ng kinakailangang tulong sa mga frontliners, ang MIAA, ay naglunsad ng libreng bus service para sakyan nang mga airport employees mula at pupunta sa NAIA terminals.

Ang libreng bus service ay inilaan para sa mga organic personnel ng MIAA at ang mga service provider pati na rin ang iba pang mga airport workers na nagtatrabaho sa airline at groundhandling companies at ang kanilang mga service provider siempre kasama ang mga janitorial staff dito.

Ang test run sa southbound bound ay para tulungan at serbisyuhan ang mga taga-Las Piñas at Cavite. Ang mga MIAA frontliners mula sa mga lugar na ito ay mayroon na ngayong isang maginhawang paraan upang pumunta sa NAIA terminal upang magsagawa nang mahalagang gawain para sa pagpapatakbo ng gate boarding, conveyor system, security system at iba pa.

Ang Southbound route, pick-up time ay 5:00 AM / 8 AM/ 01:00 / 04:00 / 09:00 at 12MN. Pick-up point ay sa Zapote flyover papunta sa NAIA Terminal 1, MIAA Administration Building, NAIA Terminal 2, pagkatapos ay sa NAIA Terminal 3.

Para sa return trip sa Zapote, aalis ang bus ng 07:00 /  03:00 / 11:00. Ang shuttle ay umiikot ng complex simula sa Terminal 3 sa MIAA Administration Building at sa NAIA Termina 1 bago pumunta sa Zapote. Dalawang bagong mga ruta ang idinagdag upang kunin ang mga airport employees na taga-North naman.

Ang unang ruta ay sa Monumento habang ang iba ay sa Trinoma Mall. Ang Monumento route ay dadaan mula sa LRT Monumento station 5 AM/9AM/1PM/5PM/9PM at 01:00 pick-up time. Mula sa Monumento, ang bus ay dadaan sa LRT Line 1 route ng 5th Avenue, R. Papa, Abad Santos, Blumentritt, Tayuman, Bambang, Doroteo Jose, Carriedo, Central Terminal, United Nations, Pedro Gil, Quirino, Vito Cruz, Gil Puyat, Libertad, EDSA at pagkatapos ay tutuloy sa NAIA Terminal 3, NAIA Terminal 4, MIAA Administration Building at pagkatapos ay magtatapos sa NAIA Terminal 1. Return trip para sa rutang ito ay aalis sa NAIA Terminal 3 sa 7:30 AM / 03:30 at 11:30 .

Ang Trinoma route, ay umalis mula sa Trinoma Mall at babaybayin ang MRT Line 3 route na dadaan sa Quezon Avenue, GMA Kamuning, Cubao, Santolan-Anapolis, Ortigas, Shaw Boulevard, Boni Avenue, Guadalupe, Buendia, Ayala , Magallanes pagkatapos ay sa NAIA Terminal 3, NAIA Terminal 4, MIAA Administration Building at pagkatapos ay sa NAIA Terminal 1. Ang iskedyul ng pag-alis mula sa Trinoma ay 05:00 / 08:00 / 01:00 / 04:00 / 09:00 at 12MN.

Return trip para sa rutang sa NAIA Terminal 3 ay 07:00 / 03:00 at 11:00. Ang mga bus ay magkakaroon ng marshalls mula sa MIAA Airport Police Department. Ang mga mana-nakay ay kailangan ipakita ang kanilang MIAA isyu ID’s.

Ang libreng airport shuttle ay isang inisyatiba ng MIAA sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation and UBE Express Premium Airport Bus Service.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with